“HOY!” Isang nakatutulilig na boses ang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Kinalikot ko pa ang loob ng aking tenga dahil pakiramdam ko nawala nang panandalian ang pandinig ko. Ang sakit, eh! Paano na lang kung nabasag ang eardrum ko? Mapapalitan niya ’to? Lintik lang ang walang ganti! Mabilis kong nilingon si Matet na ngayo’y may alanganing ngiti sa labi at nakaangat ang kamay na naka-peace sign. Gusto ko siyang sabunutan bilang ganti dahil sumakit ang loob ng aking tenga gawa ng kaniyang ginawang pagsigaw sa tapat nito. Pero ang bruha mabilis na nakaiwas. Aba’t hinahamon ako ng isang ’to, ah. Wala pa naman ako sa mood para makipagharutan sa kaniya. “Lumapit ka kung ayaw mong mas samain! Baka hindi mo namamalayan, bigla ka na lang tumilapon sa dingding,” nanggigil kong usal na sinamaha

