"OH, hi Louise!" nakangiti at punong-puno ng kaplastikang baling sa akin ni Monique nang pumaling siya ng tingin sa akin. Sa halip na ipakita ang pagka-badtrip ko sa kaniya, inihanda ko ang isang matamis na ngiti. Iyong tipong magkakaroon siya ng diabetes. "Hello Monique. It's nice to see you here," turan ko kahit hindi naman talaga iyon ang gusto kong sabihin. Lumapit ako sa kaniya at saka nakipagbeso. Pinanatili ko ang ngiti sa mga labi ko kahit gustong-gusto ko nang masuka dahil sa sarili kong pinaggagagawa. Matapos bumeso ay naupo na rin ako sa may bakanteng upuan katapat niya. Panay pa rin ang kuwentuhan nina Mommy at ng amiga niya na sa totoo lang ay parang ngayon ko lang nakita. O sadyang hindi ko lang maalala na nagpunta na ito rito dahil hindi naman ako nakikiharap sa mga bi

