MATAPOS kong mangako kay Jacob na susunod ako sa kaniya ay lumabas na ito. Ngunit bago siya lumabas ay hinalikan muna niya ako sa labi. Saglit lang iyon pero parang gusto ko na talagang mangisay sa kilig! Alam mo iyong feeling na parang sasabog na ang pantog mo dahil nagpipigil ka ng ihi? Gano’n na gano’n ang nararamdam ko. Grabe iyong kilig ko. Parang aabot hanggang sa planetang pluto. Muli akong nahiga sa kama habang sapo-sapo ang aking sumasakit na ulo. Nanatili akong nakatulala sa kawalan ng ilang minuto hanggang sa mapagdesisyunan ko nang tumayo. Kailangan ko nang mailigo para mabawasan ang sakit ng ulo ko kahit papaano. Dahan-dahan akong bumalikwas ng kama saka tumayo. Muntik pa akong mabuwal dahil sa hilo na aking naramdaman. Buti na lamang ay mabilis akong nakahawak sa kalapi

