NAG-AAGAW na ang liwanag at dilim nang mapagpasyahan naming umuwi ni Jacob. Hindi naman ako nag-aalala na baka maligaw kami sa kakahuyan sa pag-uwi namin dahil siya naman ang kasama ko. Pakiramdam ko kasi basta siya ang kasama ko, walang mangyayaring masama sa akin. Parang lagi akong safe at secured sa piling niya dahil siya ang knight in shining armor ko. Hindi rin naman kasi namin namalayan ang oras. Basta nakita na lang namin na papagabi na nang mapansin namin na dumidilim na ang langit. Gano’n yata talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo, parang lumilipad ang oras. Iyon bang parang segundo lang ang katumbas ng isang oras? Iyong parang wala naman kayong masiyadong pinag-uusapan pero parang ang dami niyo pa ring topic? Tipong walang boring na sandali. Hay! Nagayuma yata ako ng lalaki

