“GOOD morning, love.” Agad na pumorma ang ngiti sa mga labi ko nang paggising ko ay si Jacob ang aking unang nasilayan. Nakasandig ito sa hamba ng pintuan habang nakalagay sa magkabilang bulsa ng suot niyang kupasing pantalon ang kaniyang mga kamay. Kaysarap niyang pagmasdan kahit napakasimple lang ng suot niya. Nakasuot lang ito ng long sleeve na sweat shirt na kulay green na mayroon pang logo ng isang sikat na supplier ng farm supplies. Manipis lang iyon at humahapit sa kaniyang katawan kaya naman kapansin-pansin ang mga umbok ng pandesal sa kaniyang tiyan pati na rin ang mga muscles sa kaniyang mga braso. Maski yata basahan ay bagay pa rin sa lalaking ’to. Ang guwapo-guwapo naman kasi niya, sobra! Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi kung gaano siya kaguwapo. Kasi naman, sa

