JACOB “What has gotten unto you, Jacob?” bulong ko sa hangin matapos maalala ang naganap kanina sa pagitan namin ni Louise. Kasalukuyan akong narito ngayon sa ilalim ng malaking puno ng acacia para magpahinga matapos kong mag-araro. Ito rin iyong lugar kung saan ko dinala si Louise kamakailan para ipakita ang mga alitaptap. Isa ito sa mga pinakamemorable na spot dito sa baryo Isabel para sa akin. Mariin akong napapikit bago ko padaskol na inilapat ang aking pagod na likuran sa katawan ng malaking puno. Pagod ang katawan ko dahil sa katatapos na trabaho, pero mas ramdam ko ang pagod ng isip ko dahil sa kaiisip ng nangyari kanina. Ngali-ngaling kong pukpukin ng hawak kong malaking plastic bottle na may lamang tubig ang ulo ko dahil sa kapangahasang ginawa ko. Kita ko ang pinaghalong tako

