HALOS buhatin ko ang mga paa ko dahil sa bagal ng aking pagkilos. Wala ako sa mood at para bang latang-lata ang katawan ko. Wala naman akong lagnat. Wala rin akong hang-over dahil hindi naman ako uminom kagabi. Isinusumpa ko na ang alak, please lang. Pero wala akong magagawa kung ’di kumilos dahil umaga na. Sa mahigit dalawang linggo naming pamamalagi rito ni Jacob, pagpapahalaga sa bawat segundo, minuto at oras ang pinakamahalaga sa mga tao rito. Bawal ang kukupad-kupad. Para sa kanila, time is gold. Pupungas-pungas man nang ako ay lumabas, hindi ko pa rin mapigilan ang mapangiti dahil sa pagbungad sa akin ng magandang kapaligiran. Oo, araw-araw kong nabubungaran ang kagandahan na taglay ng kapaligiran dito simula nang mapadpad kami rito. Pero ngayon, mas nadagdagan pa ang kagandahang

