MAHIHINANG tapik sa aking pisngi ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Hindi naman ako napuyat kagabi pero parang antok na antok ang pakiramdam ko. Alam mo iyon? Iyong parang pakiramdam ng buntis na gusto na lamang humilata sa kama maghapon? Parang gano’n ang pakiramdam ko. Pero hindi naman ako buntis dahil the last time I checked, intact pa rin naman ang hymen ko. Hanggang momol-momol lang naman ang nagyari sa amin ni Jacob ’no. Kiss, hug, tapos konting hawak lang naman kaya hindi no’n mawawasak ang barikada ng flower capital ko. “Louise, wake up, malapit na tayo.” Napadaing ako at dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata saka tumingala sa lalaki na kasalukuyang nakayakap sa akin ngayon. “Nasa Maynila na tayo?” tanong ko sabay layo ng aking katawan sa kaniya. Ngumit

