MABILIS pa sa alas-kuwatro na tumayo ako sa aking kinauupuan. Halos mahulog pa nga sa sahig ang mga kutsara’t tinidor dahil sa impact ng pagtayo ko. Nabigla kasi ako, sobra! Hindi ko naman sukat akalain na makakaharap ko agad sila. “Hehehe. A-Ate, Mommy, long time no see po, ah? Kamusta?” pilit ang ngiti kong wika saka kumaway pa na parang hindi naman kami gano’n katagal na hindi nagkita. Ayokong ipahalata sa kanila na kabado ako ngayon kahit pa nga naiihi na ako dahil sa nerbiyos. Gosh, parang hindi ko sila ina at kapatid kung makatingin sila sa akin ngayon. Para silang evil stepmom at stepsister ko na ngayon ay nahuli akong may ginagawang kalokohan kaya mamaya ay may naghihintay na kaparusahan sa akin sa kaharian. ’Di ba dapat ay niyayakap nila ako ngayon tapos may paiyak-iyak pa dahi

