DALAWANG linggo ang matuling lumipas buhat nang matanggap ko ang invitation para sa kasal nina Jacob at Monique. Ang hirap mag-move on. Pero naisip ko, bakit ko naman kailangan mag-move on, e, wala namang kami? Because you love him, biatch. 'Yan ang laging sagot sa akin ng sarili kong isip. Sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko na nakita maski ang dulo ng kuko ni Jacob. Natapos na ang huling araw ng photo shoot pero hindi man lang siya nagpakita at dumalaw sa set na katulad ng lagi niyang ginagawa. Ang usap-usapan ay busy na raw siya para sa paghahanda ng kasal nila ni Monique which is gaganapin na bukas. Yes, bukas na tuluyang matutuldukan ang lahat. Tuluyan na ring mababaon sa isang alaala ang aming mga pinagsamahan. Kami yung perfect example ng pinagtagpo para magkakilala pero hind

