ILANG beses akong suminghot at natatawang nagpunas ng sariling luha habang magkayakap pa rin kami ni Mommy. “Ano ba ’yan, Mommy. Ang drama natin. Ang awkward, hindi ako sanay,” biro ko kay Mommy na kaparehas ko’y maririnig din ang pagsinghot at patuloy na paghikbi. Nagkatawanan kami dahil sa sinabi ko ngunit hindi naman siya nag-abalang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Mas humigpit pa nga ang pagkakayakap niya na para bang mapipisa na ako sa sobrang higpit ng yakap ng braso niya sa katawan ko. “Hindi ako magsasawang yakapin ka, anak. Hindi ko nagawa sa ’yo ang ganito noon dahil ayaw tanggapin ng isip ko na kahit anak ka ng Daddy mo sa iba ay nagkaroon ka agad ng puwang sa puso ko. I loved you eversince you are still a little girl at ipakilala ka sa akin ng Daddy mo. Natatakot lang akon

