NAPAMULAT ako ng mga mata nang marinig ang ingay na nagmumula sa labas ng kuwarto. Nangunot ang noo ko dahil hindi lang basta ingay iyon kung ’di may masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan . Naririnig ko pa nga ang pananaway sa kanila ni Jacob na huwag masiyadong maingay pero nakikitawa rin naman siya sa kanila. Mas malakas pa nga ang tawa ng tukmol kesa sa mga kausap niya roon. Medyo pamilyar sa akin ang boses ng dalawang babae na nauulinigan ko. Parang narinig ko na dati. Not quite sure pero parang. Naghintay muna ako ng dalawang minuto bago bumangon. Nabasa ko kasi last time sa isang article sa health magazine na masama raw ang pagbangon agad kapag kagigising lang. Kaya siguro madalas ang pagsakit ng ulo ko dahil agad-agad akong bumabangon pagkagising na pagkagising sa umaga. Doon

