CHAPTER 74

1216 Words

“MONIQUE, please don’t make a scene here. Nakakahiya. Huwag dito.” Pilit pa ring pinipigilan ni Jacob si Monique na makalapit sa akin. Inihaharang niya ang katawan rito ngunit ayaw pa ring paawat ng huli. Kung kanina ay poise na poise pa ito, ngayon ay para na siyang amasona na sasabak sa giyera. “Ano? Talaga ba? Ako pa talaga ang nakakahiya ngayon? Hindi ba dapat sa kaniya mo sabihin ’yan? Nilandi ka niya, Jacob. Baka nga ginayuma ka niyan, eh,” nanlilisik ang mga mata niya habang naka pin point ang hintuturo niya sa akin. “Tell me, ano’ng pinakain niya sa ’yo? Kasi sa pagkakatanda ko, ha? Sa pagkakatanda ko, pinangakuan mo ako na hindi mo ako iiwan. That you will stay with me no matter what. Kaya nga ikaw ang pinili ko noon over Alfie, ’di ba? I cheated Alfie because of you, Jacob!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD