LOUISE ILANG beses akong nagbura ng mensahe. Urong-sulong ang aking daliri para isend ang tinipa kong mensahe para kay Jacob. My mind is clouded with so many things. Gulong-gulo ako. Kanina pa siya tumatawag pero wala akong balak sagutin maski isa sa mga iyon. Baka kasi magpadala na naman ako sa mga matatamis niyang salita. Ako pa naman ang perfect epitome ng babaeng marupok. Tinitigan ko ang screen ng cell phone at binasa sa aking isip ang mga salitang tinipa ko. Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipadala ito sa kaniya. Pero sa huli, pikit-mata kong pinindot ang send button ng cell phone. For closure na rin, ’di ba? Masakit. Sobra. Ang dami kong pangarap kasama siya. Umasa akong siya na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda pero hanggang pangarap lang pala iyon. Dahil ngayong gabi ay

