PUPUNGAS-PUNGAS akong bumangon mula sa kama matapos patayin ang alarm clock. It’s already five in the morning. Kailangan ko nang gumayak patungo sa trabaho upang kumayod para sa pagkain at tirahan ko rito. Malapit nang maubos ang perang dala ko kaya hindi puwedeng patunga-tunganga na lang ako sa isang tabi at hintayin na mamulubi ako. Mahigit tatlong buwan na rin ang matulin na lumipas simula nang umalis ako sa Pilipinas at magtungo rito sa Japan para takasan at talikuran ang mga taong nagbigay sa akin ng matinding sama ng loob. Walang nakakaalam kung nasaan ako ngayon maging si Matet. Pinutol ko ang lahat ng kaugnayan na meron ako sa Pilipinas at namuhay nang mag-isa rito sa Japan. Pati social media accounts ko ay dine-activate ko para tuluyan nang walang maka-contact sa akin. Saka ko na

