Louise “TEKA lang, uminom ka na ba ng gamot mo? Kumain ka na ba? Ilan ang huling temperature mo?” sunod-sunod kong tanong. Umiling siya habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Hindi man masiyadong maliwanag ang ilaw na dala ng lampshade ay kapansin-pansin ang pananamlay ng kaniyang mukha. “Hindi pa. Wala akong ganang kumain. Ayos lang naman ako dahil narito ka na. Siguro, kailangan ko lang ng pahinga,” malamya at mahina niyang tugon. Mahina kong tinampal ang kamay niyang nakayakap sa aking bewang. “Ay, ano ka? Gusto mong kaltukan kita? Talagang kailangan mo ng pahinga dahil hindi ka robot para hindi ka singilin ng katawan mo. Dineretso mo ang trabaho, eh. Feeling mo ba, ikaw si Superman? Kaya sandali, pakawalan mo muna ako. Bitiwan mo ako at ipaghahanda kita ng makakain. Hindi puweden

