CHAPTER 53

1127 Words

MARIIN pa rin akong nakapikit habang nakikiramdam sa aking paligid. May naririnig akong mga boses na tila nagtatalo. Mahina lamang ang palitan nila ng salita ngunit gigil ang bawat katagang lumalabas sa kanilang mga bibig. May diin, may lalim, at higit sa lahat, matalim ang bawat salitang lumalabas sa kanilang bibig. Kumibot ang aking mga kilay kalaunan. Gustuhin ko mang imulat ang aking mga mata ngunit pinapangunahan ako nang matinding hiya dahil sa nangyari sa akin kanina. Pero bakit nga ba ako mahihiya? Hindi ko naman iyon kagustuhan. Isa pa, wala rin namang nangyari at hindi nagtagumpay si Zeke sa gusto niyang gawin sa akin dahil dumating si. . . Jacob. Narito kaya siya? Gusto ko siyang makita at bawiin ang lahat ng sinabi ko. Magpapakatotoo na ako at aaminin na mahal ko rin siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD