Chapter 5 (Saloobin ni Jeff)

2602 Words
Pagkatapos ng tatlong oras na meeting ni Jeff sa mga foreign investors ay kaagad siyang pumunta sa kanyang opisina. Pero sa tangkang pagpasok niya ay sinalubong siya ni Gwen. “Bakit Gwen?” “Sir, meron po kayong emergency meeting” “Ha? Bakit? Anong nangyari?” “Hindi ko din alam, sir. Dumerecho na lang kayo ulit sa conference room” “Sige” sagot ni Jeff. Nagmamadali din ito sa pagpunta sa conference room at tila kinakabahan sa emergency meeting na sinasabi ng kanyang assistant. “Finally…” sigaw ng isang presidente ng isang kumpanya niya habang papasok si Jeff sa silid “… he’s here” “What’s wrong Mr. Santos?” “We have a problem Mr. Dy” sabay pakita ng financial report ng isang negosyo “Dy Motor Works Inc. will declare bankruptcy dahil hindi na nila mababayaran ang mga pagkakautang nila” “Ano? Paanong nangyari yan? Hinayaan lang nila yon?” sambit ni Jeff na parang nagagalit na “Sino ba ang presidente ng Dy Motor Works na yan?” “Unfortunately Sir… hindi ikaw ang may-ari ng kumpanyang yan” sulpot ni Atty. Dimaguiba “E sino?” tanong ulit ni Jeff. “Ang kapatid niyo. Si Jean” “E bakit tayo ang nagmemeeting tungkol diyan? Hindi ko naman pagmamay-ari yan” sagot niya “Hayaan na natin malugi” “Is because you hold the majority shares ng Dy Group of Companies” paliwanag ng abugado sa kanya “So, nasa sa’yo ang desisyon kung ano ang gagawin mo sa paluging kumpanya ng kapatid mo” “Let me remind you, sir…” dugtong ng isa pang presidente “This company has a very least contribution based on sales, compared to your other businesses” paliwanag niya kay Jeff “In fact… siya ang last sa ranking, at napakalayo ng kanyang numero sa kasunod niyang kumpanya” “Ang babae na yan. Isang kumpanya na nga lang, hindi niya pa napapatakbo ng maayos” “So, what’s your decision, Sir?” “We will abolish Dy Motor Works” “Wait. Are you sure, Mr. Dy?” “Yes. I am” paniniguro ni Jeff “It’s final. Kayo din naman ang nagsabi na iyan ang pinakamababang sales sa lahat ng mga negosyo. So, we must abolish it baka pa mahuli ang lahat” “E paano ang ibang owners?” tanong ng isa pang presidente “Kailangan nilang malaman ‘to. To pay respect lang naman sa kanila.” “Actually, hindi na kailangan” sagot ni Atty. Dimaguiba sa kanya “As I have said earlier. Mr. Jeffrey Dy, owns the majority shares of the Dy Group of Companies. So, kahit malaman nila o hindi. Still, Mr. Dy has the final and concrete decision” “Well. Its final. Wala nang Dy Motor Works” sabay tayo ni Jeff “Meron pa ba tayong pag-uusapan?” “Wala na po, Sir” sagot ng abugado. “Well, this meeting is adjourned” Tumayo at nagpaalam si Jeff sa kanila at lumabas ng conference room. Pero pagdating niya sa pintuan, sinalubong siya ng kanyang ina. “O nay. Anong ginagawa niyo dito” napatingin si Jeff sa tao na nasa likuran ng kanyang ina. Si Guang Fen, na tila malungkot ang kanyang mukha. “… at ano ang ginagawa niya dito?” “Anak. Huwag kang magalit. Kasama ko siya na pumasok dito” “Ha? Bakit mo siya kasama?” “Kasi humingi siya ng tulong sa akin” “Anong klaseng tulong??” “Apo…” sabay lapit niya kay Jeff “Nandito ako para humingi ng pabor sa’yo” “Pabor?? Hmmm. Okay. Ano yun?” sambit ni Jeff na matigas ang tono ng boses “Pwede mo ba akong pautangin ng pera?” “Pautang? Pasensiya na po. Hindi ako bumbay” “Parang awa mo na apo. Naghihikahos ang negosyo ni Jean. Kailangan niya ng tulong mo” “Don’t worry. Tinulungan ko na siya. Hindi na siya dapat mamroblema” “Talaga? Anong tulong?” “Binuwag ko na ang negosyo niya” “Ano? Bakit mo ginawa yon?” “Kasi… wala nang silbi ang negosyo hinahawakan niya. Hindi na nakakatulong” “Pero marami din kaming manggagawa. Ano na ang pagkakakitaan nila ngayon?” “Edi dito sila magtrabaho sa akin” payo ni Jeff “I have many kinds of businesses. Hindi puro sasakyan lang” “Parang awa mo na, apo” lapit niya kay Jeff habang hinahawakan ang kamay niya “Nagmamakaawa ako. Tulungan mo ang kapatid mo” “Anong sinabi mo?” sabay tingin ni Jeff sa mga taong nakatingin sa kanila. Ito na ang panahon para makaganti sa mga ginawa noon ng matanda sa kanyang ina “Sige. Tutulungan kita at nang apo mo” “Talaga??” parang nabuhay ang mukha ni Guang Fen nung marinig niya ang sinabi ng apo “Pero sa isang kondisyon” “Ano yun apo?” “Lumuhod ka” Nanlaki ang kanilang mata lalung-lalo na ang kanyang ina. Hindi kasi niya inaakala na sasabihin ng kanyang anak iyon. “Jeff…” saway ng ina Pero walang imik si Jeff sa saway ni Joyce at patuloy pa din ang pagtitig niya sa matanda. “O ano na? Bakit ang tagal? Ayaw mo?” “Huwag naman ganyan, apo. Lola mo pa rin ako” “Mrs. Guang Fen Dy. Sa negosyo, walang kaibigan o kaanak. Pantay lahat. Alam mo yan diba?” paliwanag ni Jeff “… at kung ayaw mo sa kondisyon na sinasabi ko, maluwag ko namang tinatanggap yan at pwede ka nang umalis sa building ko” “Jeff… don’t do this” iyak ni Guang Fen sa apo habang nakatingin ang mga tao sa kanilang dalawa “Hindi mo pwedeng gawin sa akin ‘to” “But I already did.I can do everything I want. Lahat ng sasabihin ko ay batas na dapat niyong sundin, dahil ako ang hari dito.” sambit ni Jeff habang tumataas ang tono ng boses “You should kneel down before the king” Dahan-dahang bumababa si Guang Fen sa sahig. Sinunod niya nga ang utos ni Jeff na lumuhod kapalit sa pagbalik ng negosyo ng isa niyang apo na si Jean. Habang nakaluhod siya ay may mga naririnig siyang mga bulungan ng mga tao na nakatingin sa kanya pero hindi niya ito pinansin at tumingala siya kay Jeff. “Please Jeff. Nagmamakaawa ako. Tulungan mo ang kapatid mo” iyak ni Guang Fen “Kailangan niya ngayon ng kapatid, ng kaibigan at karamay sa pinagdadaanan niya ngayon. Diba tinulungan ka din namin noon? Kung hindi dahil sa akin, at sa mga negosyo ko. Hindi ka makakarating sa buhay na pinapangarap mo” Parang uminit muli ang tenga ni Jeff sa dugtong ng matanda. “Nanunumbat ka ba??” “Hindi apo” “Sinusumbatan mo ba ako sa mana na kinuha ko kay tatay?? Na dapat pala sa bunsong anak at paboritong apo mo?? Kung tutuusin nga, kulang pa ‘to lahat na paghihirap ninyo kesa sa paghihirap namin noon ni nanay sa kamay ninyo” balik ni Jeff “Ano ba ang pakiramdam na ilang taon ang ginugol mo sa pagpalago ng mga negosyo pero sa iba pala pupunta?? Sa akin. Akalain mo naman anoh. Bilog talaga ang mundo. Tignan mo na ngayon, ako na ang nasa itaas at kayo na nasa ilalim” huminga na lamang si Jeff ng malalim sa inis niya sa matanda “Sorry. Nagbago na ang isip ko. Salamat sa pag-iinsulto mo. Pwede ka nang umalis” sabay alis ni Jeff sa harap ng nakaluhod na matanda. Habang lumalakad siya palayo kay Guang Fen ay hindi niya namalayan na hinabol pala siya ng kanyang ina. "Jeff..." tawag ni Joyce. Napahinto naman siya kaagad at humarap sa tumawag sa kanya. "Ano yon?" pero walang imik si Jeff sa tanongn ni Joyce. "Jeff... Sagutin mo ang tanong ko. Ano yon?" "Wala lang yon nay" "Anong wala lang? Pinahiya mo ang matanda. Ang lola mo" pahayag niya kay Jeff. "Hindi kita pinalaki na bastos anak" "Bastos?? Sino ang unang bumastos sa amin nay? Ginawa ko lang yon dahil gusto ko gumanti sa ginawa niya sa'yo" sambit ni Jeff na nangangalit ang mga ngipin sa galit. "Anak.. Tama na to. Pakawalan mo na ang galit diyan sa puso mo" sambit ni Joyce sa anak "Hindi ko naman hinihingi sa'yo ito" "Alam ko nay. Pero gusto ko tong gawin para sa'yo" dugtong ni Jeff. "Patawarin ninyo ako, pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko" Hindi makapagsalita si Joyce sa sinabi ng anak. Niyakap niya na lang ito ng mahigpit. *** Pumasok si Alvin sa opisina ni Jeff na walang pasabi sa kanya. Natagpuan na lang niya si Jeff na nakaupo at nakatulala sa kanyang upuan. Kaagad niya naman itong linapitan. "Hello hon. Kamusta ka na?" bati ni Alvin sa kanya "Ayos lang naman ako, hon" sagot niya naman. "Ikaw? Kamusta duty mo sa presinto?" "Ito pagod." tinignan niya si Jeff sa mata. "Hon?" "Yes?" "I know what happened" "Anong 'what happened'?" "Hon naman. Huwag ka ngang ganyan. Alam mo na alam ko ang ibig kong sabihin” “Ha? Sorry hon, pero hindi ko talaga alam ang pinagsasabi mo” “Hon naman. Ang tungkol sa lola mo, at ang pinagawa mo sa kanya” “Sinong naman ang nagsumbong sa’yo” “Si Nanay Joyce” sagot ni Alvin “Hon… bakit mo yon ginawa?” Napatitig na lamang si Jeff kay Alvin at kaagad itong pumikit at nagpabuntong-hininga. "Kung andito ka lang naman para sermonan ako. Please. Huwag ngayon" "Hon..." sambit ni Alvin habang lumalapit siya kay Jeff. "Maawa ka naman sa matanda. Kahit papano, lola mo pa rin siya" Napadilat si Jeff sa narinig niya mula kay Alvin. "Maawa?? Hindi ba siya naawa noon sa mga ginawa niya sa amin?" sagot niya kay Alvin. "Kung tutuusin nga.. Kulang pa ang ginawa ko kanina sa mga kasalanan na ginawa. Tapos ako pa ang maaawa??" "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo ngayon?" sagot ni Alvin at tila umiba ang kanyang mukha. Nagagalit na siya kay Jeff dahil sa mga naririnig niyang mga rason. "What do you mean?" "Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw si Jeff. Ang Jeff na minahal ko. Ang Jeff na mapagmahal at malambing. Puro galit na lang ang laman ng puso mo ngayon" sambit niya kay Jeff "Sila ang dahilan kung bakit ako nagkaganito. Sila ang dahilan kung bakit galit at puot ang nilalaman ng puso ko ngayon. Sila ang nagturo sa akin na maging ganito ako. Kaya magbabayad sila" “Sila ni Riley?” tanong niya kay Jeff. Pero walang sagot ang isa “My God naman. It’s been six years. Hindi ka pa rin ba nakakapagmove-on sa ginawa ni Riley sa’yo?” “Hindi” sagot niya na mataas ang boses “Masaya ka na?? Hindi pa ako natatahimik sa ginawa niya sa akin noon. Minahal ko siya ng buong pagkatao ko pero ano ang ginawa niya…?? Humanap siya ng iba dahil hindi siya kontento sa akin. Hindi siya kontento at masaya dahil hindi ko binibigay ang gusto niya. s*x” pagbalik-tanaw ni Jeff habang tutulo na ang kanyang mga luha “Kaya naghanap siya ng iba, para doon niya ipakawala ang l***g niya sa taong yon. Ganon lang pala ang gusto niya. Hindi siya nagseryoso” pero nagpalit ang kanyang emosyon mula sa lungkot papunta sa galit “Tapos ang kapal ng mukha niya na magpakita sa akin na para wala lang. Pinamumukha niya sa akin na masaya siya ngayon dahil sa ginawa niya habang ako, nasasaktan pa rin hanggang ngayon” at tinignan niya sa Alvin sa mata “… at kung tinatanong mo ako kung nakapag-move-on na ako? Hindi pa. Dahil nasasaktan pa rin ako ngayon sa ginawa niya… at ng matandang yon” Walang imik si Alvin dahil sa loob ng anim na taon nilang pagsasama, ngayon niya lang ito nakitang umiiyak at nasasaktan ng lubusan dahil parati niya itong nakikita na matatag, palaban at walang inuurungan na mga problema. Linapitan niya na lamang ang umiiyak niyang mahal at niyakap ito ng mahigpit na mahigpit. “Sorry hon. Sorry. Hindi ko alam ang nilalaman ng puso mo. Sorry.” “Don’t say sorry, hon. Wala kang kasalanan. Salamat dahil naiintindihan mo ako” “Siyempre. Mahal na mahal kita” *** Samantala. Bumaba ang matanda sa taxi sa harapan ng kanilang bahay ng kanyang apo na si Jean. Pinindot niya ang doorbell pero hindi pa rin siya pinabubuksan ng tao sa loob. Kumuha na lang siya ng isang stick at ito ang kanyang ginamit na pambukas ng gate. Bumukas nga ito at pumasok siya kaagad. Nang pagkapasok niya sa loob ng bahay ay nakatambad sa kanya si Jean na nanonood ng programa sa TV. “Hoy Jean. Tigilan mo na nga ang papanood mo. Kanina ka pa diyan nung umalis ako ah” saway ni Guang Fen sa kanya “…nakasaing ka na ba? Sumaing ka na doon kasi pagkadating ng anak mo ay sigurado na gutom na gutom na…” Pumuti ang mga mata ni Jean at kinuha ang remote control at pinatay agad ang TV ng padabog. “Okay……” “Bilisan mo na…” utos niya sa kanyang apo. Tumayo si Jean habang nagkakamot ng kanyang ulo. “Ngapala, Kamusta ang pagpunta mo doon sa opisina ni Jeff?” biglang tanong niya “Pumayag na ba siya na pautangin ako ng pera para negosyo ko?” “Haaay…” sambit nito na tila napagod sa pinuntahan at umupo siya sa sofa “Siyempre hindi. Hindi siya pumayag. Kahit nagmukha akong tanga pa dun, hindi pa rin siya pumayag” “But why?? Palugi na ang negosyo ko, Ama. Paano ‘to??” iyak ni Jean na parang bata. “Aba ewan ko sa’yo. Kasalanan mo din yan kasi naging pabaya ka. Puro ka casino” “Ama naman. Pinagsisihan ko na nga yon. Hinding-hindi na talaga ako magka-casino. Basta bigyan mo lang ako ng chance to prove myself” “Meron akong naisip na paraan, Jean” “Ano yon?” “Bakit hindi mo tanggapin ang alok ng ama ng anak mo ng kasal?” “Si Richard?? My God! NO! Over my dead body. Ayoko sa kanya” “pero siya na lang ang huling paraan natin. Bakit ayaw mo sa kanya? Mayaman naman siya at gwapo. At isa pa, may lahi din siyang Chinese na kagaya natin” “Kahit na… Ayoko. I don’t like him. Napaka-hambog niya” “Pag-isipan mo ito, Jean. Siya lang ang paraan natin para bumalik ka sa taas at para mabawi natin ang dapat nasa sa’yo na inagaw ng baklang Jeff na yan” sambit ni Guang Fen “Gusto mo ba makita ka niya na naghihirap? Habang siya naman ay tumatawa sa’yo dahil nasisiyahan siya sa kanyang nakikita? Gusto mo ba yon??” “Siyempre, hindi” “Oh. Yun naman pala eh. Pakasalan mo na si Richard Teng para masabayan mo si Jeff at kung mayaman ka na ulit, doon tayo gagawa ng paraan para mabawi at mapunta sa’yo ang buong Dy Group of Companies” Itutuloy…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD