Ipinatawag ulit kinabukasan ang abugado na si Atty. Dimaguiba sa opisina ni Jeff dahil may importante pa silang pag-uusapang dalawa.
Pagkapasok ng abugado sa opisina ay nadatnan niya na nakatayo si Jeff at nakaharap sa malaking bintana. Malayong-malayo ang tingin.
“Mr. Dy...” sambit ng abugado. Humarap naman kaagad sa kanya si Jeff na tila nagulat.
“Attorney… andiyan ka na pala”
“Kararating ko lang, Mr. Dy” sagot naman nito “Bakit pinatawag po ninyo ako?”
Dahan-dahang lumakad si Jeff pabalik sa kanyang mesa “Kamusta na pala ang paghahanap sa kakambal ko?”
“Well. Wala pang lead o balita kung nasaan ang kakambal mo” matapang na sagot ng abugado “After that incident, sigurado ako na lumayo na ng tuluyan si Joacquin”
“So, kasalanan ko pa? Na binigyan ko siya ng pera pero tinanggihan niya at sinuntok niya ako?”
“Hindi po. Pero alam mo naman ang mga taong ganyan, dignidad na lang ang natitira sa kanila”
“Dignidad?? E para naman sa kanya yun ah. Mana niya mula kay tatay”
“Well, hindi naman natin siya masisisi. Hindi niya nakilala ang tatay mo. That’s why hindi niya tinanggap… at akala niya siguro, sinusuholan mo siya para hindi na siya bumalik sa buhay ninyo”
“Wala akong pakialam kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin” dugtong ni Jeff sa abugado “Ang gusto ko lang, makausap ko siya ulit at kukumbinsihin siya na sa mansyon na lang manirahan kasama ng nanay namin. Para naman ‘to kay tatay and his dying wish”
“Sana makumbinsi mo siya Mr. Dy”
“I hope so” sagot ni Jeff
“Well. I’ll just inform you kung may development sa paghahanap namin sa kakambal mo, Mr. Dy”
“Thank you, attorney”
Tumalikod ang abugado kay Jeff at kaagad nagtungo sa pintuan upang lumabas sa kanyang opisina. Nang pagkalabas ng abugado ay kaagad ding pumasok ang kanyang Executive Assistant na si Gwen.
“Sir Jeff. Meron po naghahanap sa inyo sa labas” sambit ni Gwen na tila hinahabol niya ang kanyang hininga “…at nagwawala po siya”
“Sino Gwen?”
“Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang kanyang pangalan”
“Parang alam ko na kung sino” sambit ni Jeff “Si Cindy”
“Papalabasin ko na po ba Sir?”
“No Gwen. Lalabas ako. Kakausapin ko ulit siya”
Tumayo agad si Jeff, inayos niya ang sarili at lumabas agad ng opisina upang harapin ang nagwawalang babae na si Cindy.
Pero sa pagdating niya sa labas ng opisina ay hindi pala ito si Cindy. Ibang tao ang nagwawalang babae. Isang babae ang kaharap ni Jeff na naging parte din ng kanyang buhay noon.
“Well, andito ka na pala” panimula ng seksing babae kay Jeff “mabuti naman na nagpakita ka na. Kamusta na Jeff?”
“Sino ka?”
“…at nakalimutan mo na talaga ako?”
“Malamang…That’s why I’m asking diba?”
“How sad naman. Pati siguro ang nangyari sa ating nung gabing iyon ay nakalimutan mo na din…”
“Ha? Ano ba ang pinagsasabi mo diyan?...at ano nangyari sa atin?”
“Kailangan ko pa bang sagutin ko iyan? Huwag mo akong subukan na ikuwento lahat. Baka gigising yang alaga mo” at sabay kindat niya kay Jeff.
“You know what? You’re just wasting my time” tawa ni Jeff sa kanya “Huwag kang ambisyosa girl… Walang nangyari sa atin dahil hindi talaga kita kilala”
“Hindi mo talaga naalala? Pwes! Ipaalala ko sa’yo” unting-unti tumataas ang tono ng boses ng babae “Ako lang naman ang babaeng binayaran ng mga kaibigan mo na nagpaligaya sa’yo noon. Eksaktong anim na taon na ang nakakaraan…”
At biglang sumagi sa isipan ni Jeff ang babaeng gumahasa sa kanya noon sa pension house. Siya si Joy. Pero walang nangyari sa kanila nung gabing iyon at siguradong-sigurado siya dito. Teka, wala nga ba?
“O tapos? Hindi ka ba nila binayaran sa serbisyo na ginawa mo sa akin?” sambit ni Jeff “Kung kulang pa, babayaran kita”
“Wag kang mag-alala, Jeff. Fully paid na ako ng mga kaibigan mo. Iba ang pakay ko dito, hindi ang pera mo”
“E ano naman iyon? Katawan ko?”
“How I wish, Jeff. Gustong-gusto ko talagang ulit tikman ang katawan mo, lalung-lalo na ang malaki mong alaga. Pero iba ang pakay ko” ngiti ni Joy “Kundi dahil dito…” at hinila ni Joy ang batang babae sa kanyang likuran.
“Sino naman yan…?”
“Ito?? Siya si Marie. Ang anak ko…at ang anak mo.”
Nanlaki ang mga mata ni Jeff sa kanyang nalaman at sa kanyang nakita. May anak siya? Pero hindi pa siya handa na magka-anak dahil marami pa siyang plano sa buhay at nagsisimula pa lamang siya.
May mga naririnig na naman si Jeff na mga bulong at mga tingin na tila nanghuhusga na naman sa kanya sa paligid niya pero hindi niya ito pinansin at hinila na lang si Joy papasok ng kanyang opisina “Halika dito, babae ka… sa loob tayo mag-usap” sambit niya.
Pagkadating nila sa opisina ay itinapon niya si Joy sa bakanteng upuan at napaupo na lang ang babae.
“…araay!!. Dahan-dahan naman…”
“Hindi ko anak yan, Joy” pahayag niya kay Joy “Sigurado ako. Hindi ko anak yan ang nasa labas”
“Anak mo si Marie. Sigurado ako”
“Paano ka nakakasiguro?? Huh?? Maraming lalaki ang nakatikim sa’yo” pang-iinsulto ni Jeff “Baka anak yan sa isa sa mga naging customer mo”
“Sigurado ako, Jeff. Sa’yo ‘to”
“Paano ka nga nakakasiguro na akin yan? E wala talagang nangyari sa atin”
“…dahil ikaw lang ang lalaki ang nakatikim sa akin” paniniguro ni Joy “Kahit ipa-DNA Test mo pa ang bata. Dugo’t laman mo siya…!”
“Nagsisinungaling ka, Joy!”
“Sa tingin mo ba walang nagyari sa atin nung gabing iyon?? Habang himbing na himbing ka sa pagtulog mo dahil sa kalasingan mo ay ginalaw kita” kuwento ni Joy sa kanya “Siyempre, gusto kong sulitin ang binayad ng mga kaibigan mo sa akin. Edi ginawa ko ang dapat kong gawin…”
“Hindi…” tanging sambit ni Jeff na pabalik-balik sa paglalakad na tila hindi alam ang kanyang gagawin “…hindi pwede ‘tong mangyari. Hindi pa ako handa na magka-anak. Ano ba ang kailangan mo, Joy? Bakit kayo lumitaw? Pera ba?? Magkano?”
“Hindi pera ang kailangan ko, Jeff. Ang gusto ko lang naman ay tanggapin mo ang anak mo. Ang anak natin…”
“Hindi. Ko. Nga. Anak. Yan!!” sigaw ni Jeff
“…Mama…?” sambit ng batang babae na nasa pintuan na pala. Nakapasok ito dahil sinundan niya sa loob ng opisina ang kanyang ina. “… Mama? Uwi na tayo”
“Sandali lang, Marie. Kinakausap ko pa ang Papa mo”
“Ano po? Siya po ang Papa ko…?” inosenteng tanong ng bata habang lumalapit sa kanilang dalawa..
“Oo anak. Siya ang Papa mo” ulit ni Joy “Diba, matagal mo nang tinatanong at hinahanap sa akin kung sino ang Papa mo? Eto na, anak”
Humarap si Marie kay Jeff na tila nagagalak sa kanyang nalaman sa ina “Papa. Matagal na po kitang hinihintay. Ikaw na po ba talaga yan?? Salamat sa Diyos dahil nakita din kita Papa” nagulat si Jeff sa yakap at iyak ng bata. Sumulyap siya kay Joy na tila naiyak na din sa ginawa ng bata.
Pero inalis ni Jeff ang kamay ng bata sa kanyang paa sa pagkakayakap at lumayo ito ng ilang pulgada dito.
“Hindi ako ang tatay mo, Marie. Nagkakamali ang nanay mo” pahayag niya sa bata
“Pero sabi ni Mama…”
“…nagkakamali ang Mama mo. Hindi ako ang Papa mo” biglang umiyak si Marie at linapitan ang kanyang ina.
“Bakit iyon ang sinabi mo sa kanya? Alam mo ba na ilang taon ka niya hinintay? Ilang taon siyang naghintay na magkaroon siya ng ama? Pero sinaktan mo lang siya ng ganon lang. Ang sama mo, Jeff”
“Masama na kung masama. Pero hindi ko talaga anak yan”
“Ilang beses ko bang sabihin sa’yo na anak mo nga ‘to”
“Talagang nagpupumilit ka na maging anak ko siya noh?” sambit ni Jeff “Hindi ka ba susuko, Joy? Porke mayaman na ako ngayon, pilit mong pinaampon yang batang yan sa akin”
“Napakataas ng tingin mo sa sarili mo, Jeff. Bahala ka kung ayaw mo maniwala… Basta anak mo ‘to at iyon ang katotohanan”
“Katotohanan ba kamo..? Sige. Kung nagpupumilit ka talaga at para matigil na ‘to. Ipa-DNA Test natin ang bata” at pinakita ni Jeff ang hibla ng buhok na nakuha niya kay Marie. Nakuha niya ito nung inalis niya ang kamay ng bata sa kanyang paa.
“Mabuti.” Sabi ni Joy “…para naman mapatunayan ko sa’yo na totoo ang mga sinasabi ko sa’yo” Ibinigay ni Joy ang address ng bahay nila sa isang pirasong papel “..at ito ang address namin na kung saan kami kasalukuyan na nakatira. Baka sakali…” Lumabas agad siya ng opisina ni Jeff at tuluyan nang umalis kasama ang umiiyak na anak.
Ilang sandali lang, hindi namalayan ni Jeff na pumasok na pala si Alvin sa kanyang opisina. Nadatnan niya si Jeff na nakatulala at nakatitig sa sahig.
“Hon? Are you okay?” pero walang sagot si Jeff sa kanya.
Kinurot na lamang ni Alvin si Jeff sa kanyang tagiliran para gumalaw ito. “Ano ba??!”
“E hindi mo ako pinapansin eh. Sorry na honey ko”
“Okay lang hon. Hindi naman ako galit”
“Okay ka lang ba?”
“Hindi”
“Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?” sabay sa pagdampi ng kanyang palad sa noo ni Jeff “Hindi ka naman mainit ah”
“May pumunta kanina dito, hon”
“Sino?”
“Si Joy”
“Si Joy?” ulit ni Alvin “Yung babaeng binayaran namin noon ni Jacqui?”
“Oo”
“Oh. What’s with her? Bakit parang nakakita ka nang multo”
“Hindi multo. Kundi bata ang nakita ko kanina, hon”
“Ha?? What do you mean?”
“May dinala siya kanina dito na bata. Ang sabi niya, anak ko raw yon" Nanlaki din ang mga mata ni Alvin sa balitang narinig kay Jeff. Parang umurong ang kanyang dila at walang masabi kundi pag-nganga na lang ng kanyang bibig. “Bakit natahimik ka?”
“Ahmm. Wala hon. Nagulat lang ako kasi may anak ka na”
“Hindi ko nga anak yon. Hindi pa ako handa na magkaanak, hon” sambit ni Jeff sa kanya “Marami pa akong mga plano sa buhay. Lalung-lalo na para kay Riley”
“Hon…” dugtong ni Alvin na tila sinasaway ito
“Bakit?? Totoo naman diba? Sinabi ko na sa’yo yan kahapon”
“Hon. What if kung anak mo talaga ang bata?? Maybe it’s a sign na itigil mo na yan?”
“Bakit ko naman ititigil??”
“Kasi may anak ka na. Binigay siya ng Diyos sa;yo to divert your attention” paliwanag niya kay Jeff “Para makaalis ka na diyan sa galit mo at para ibigay na lang ang lahat ng atensyon mo sa bata”
“Basta. Hindi pa ako handa magkaanak…” pagmamatigas ni Jeff
“Bakit hindi? Hon… blessing yan na binigay sa buhay mo. Pasalamat ka pa nga may anak ka eh” paliwanag ni Alvin “Yung iba nga, kahit anong gawin nila. Hindi sila magkaanak. Ayaw mo nun? Kumpleto na ang pamilya natin, hon”
Napaisip si Jeff sa mga sinabi at paliwanag sa kanya ni Alvin. “Kung sa bagay, hon. Tama ka. Blessing ang may anak”
“Oh. Kita mo. Sumang-ayon ka na din sa akin”
“E kasi naman eh. Nakakagulat lang na may biglang susulpot na bata sa buhay ko” sambit ni Jeff at tumingin siya ulit kay Alvin “Kayo kasi eh”
“Sorry na nga, hon. Hindi naman namin sinasadya” ngiti niya kay Jeff. Pero napansin ni Alvin na nakasimangot pa din ito “Bakit na naman?? Akala ko ba ay naiintindihan mo na”
“Oo nga. But I’m trying to absorb everything kasi shocked pa rin ako ngayon” dugtong ni Jeff “Hindi pa naman sigurado na anak ko siya dahil ipa-DNA Test ko ang bata”
“Sige. Maganda yan hon. Para magkaalaman na”
***
Sa mga oras din iyon, nakahiga si Riley sa sofa ng kanilang bahay na parang may hinihintay.
“So ano na, Nathan? Ilang araw na ang paghihintay mo na sasagot ang inaplayan mo” sambit ni Cindy na nakaupo sa kanyang tabi “Hindi na sila sasagot. Kung ako sa’yo, maghanap ka na lang ulit ng trabaho o better yet, bumalik ka na lang sa trabaho mo noon. Sayang lang eh. Mataas na ang posisyon mo dun”
“Ayoko. Tatanggapin ako ni Jeff sa kumpanya niya. Alam ko dahil mahal niya pa rin ako”
“Hay naku. Bahala ka” kaagad na lamang tumayo si Cindy at dumerecho sa kusina.
Ilang saglit ang nakalipas ay tumunog nga ang kanyang telepono at parang may natanggap na mensahe. Kinuha niya naman agad ito na nakapatong sa center table at binasa ang nakasulat.
Napatayo si Riley sa galak ng dahil sa text na natanggap. “Cind..!” tawag ni Riley sa asawa “Pumunta ka dito. May good news ako sa’yo”
“Ano yon…??” habang lumalapit si Cindy sa kanya galing kusina
“Nagtext na ang kumpanya inaplayan ko. Sabi ko sa’yo eh. Ipapasok ako ni Jeff sa kanyang kumpanya”
Pero may halong saya at pait ang mukha ni Cindy dahil nasasaktan ito dahil iba ang mahal ng kanyang asawa at hindi siya. Ayoslang daw sa kanya iyon dahil mahal niya pa din si Riley kahit hindi siya mahal nito. Ang importante, kumpleto ang kanilang pamilya; silang dalawa ni Riley at ang kanilang anak na si Stephen.
“Masaya ako para sa’yo, Nathan. Sana hindi ka na ulit magreresign sa trabaho mo”
“Huwag kang mag-aalala, hinding-hindi na ako aalis pa dahil nasa kay Jeff na akong kumpanya nagtratrabaho”
Itutuloy…