Gumagawa ng takdang-aralin si Marie kasama ang kanyang ina na si Joy sa sala ng mansyon ni Jeff.
“Oh anak. Alam mo na ha” sambit ni Joy sa anak “Kapag tinanong ka sa Lunes ng teacher mo, may masasagot ka na”
“Opo, Mama. Salamat po sa pagtuturo sa akin nito”
“You’re welcome, anak”
“Mama. Baka si Papa na po iyan” dugtong ni Marie na parang may narinig siyang tunog ng sasakyan sa labas.
“Ha? Talaga? Paano mo nalaman?”
“E may sasakyan nga sa labas, Mama” sabay lapit niya sa bintana “Si Papa nga…”
Kaagad tumakbo palabas si Marie upang salubungin sa pinto ang kararating lang na ama.Sa pagpasok ni Jeff ay nakita niya na andoon sa pinto ang anak at kinarga niya ito agad at niyakap na napakahigpit.
“Kamusta ang araw mo, anak?”
“Okay lang naman po, Papa. Kakatapos lang namin gumawa ng assignment ni Mama”
“Ang Mama mo??” sumulyap si Jeff sa bandang sala at nakita niya nga na nandoon si Joy. Nakatayo na at nakatitig sa kanya “Andito ka??”
“Oo, Jeff. Binisita ko lang kasi ang nati. Ang ibig kong sabihin ang anak mo” sagot ni Joy na nahihiya ito sa kanyang kausap “Pasensiya Jeff. Hindi ako nakapagpaalam sa’yo” sabay lumakad patungo sa pintuan at tila aalis na ito “Sige, Jeff. Alis na ako. Pasensiya na talaga”
“Joy…” tawag ni Jeff
Lumingon naman ito sa tumawag sa kanya “Bakit Jeff?”
“Huwag ka munang umalis. Hindi naman ako galit eh. Dito ka muna”
“Talaga?” sambit naman nito na tila lumiwanag ang kanyang mga mata
“Oo. Kung gusto mo, maghapunan ka muna dito” paniniguro ni Jeff sa kanya “Tapos naman siguro magluto si Nanay”
“Sige Jeff. Salamat talaga”
“Huwag kang magpasalamat, Joy. Sa totoo lang, matagal ko na sanang ginawa ‘to eh” sambit ni Jeff “Sige na, kumain na tayo”
Dumerecho si Jeff bitbit ang anak na si Marie sa lamesa kasama si Joy upang kumain ng hapunan. Umupo sila doon at nagsimula nang kumain at kasama dinnila si Joyce.
Pagkatapos nilang kumain ay kaagad nagpresenta si Joy na siya na lamang ang maghuhugas ng plato at pinaunlakan naman ito ni Joyce. Nang matapos siyang maghugas ay nagpaalam na si Joy na uuwi na ito. Nagboluntaryo naman si Jeff na ihatid siya pauwi pero hindi niya tinanggap ang alok ng isa at tuluyan nang umuwi.
Samantala. Nakaupo si Jeff sa may sofa kasama si Marie na nakahiga sa binti ng ama.
“Papa..?” sambit ni Marie
“Bakit anak?”
“May nagtanong po kasi na nanay ng kaklase ko sa akin sa school” sambit ni Marie
“Bakit? Ano ba ang tinanong niya sa’yo?”
“Tinanong po niya ako kung may tatay ako at sino” dugtong nito “E ang sagot ko, meron. Tapos sinabi ko ang pangalan mo”
“Oh. Nasagot mo naman pala eh. Wala naman problema sa sagot mo, anak”
“Tinawanan nila ako Papa eh”
“Bakit naman?”
“E kasi, nangangarap kasi ako ng gising dahil imposible daw na mangyari na maging ama kita dahil mayaman ka Papa… at hindi apelyedo mo ang dinadala ko”
Biglang natahimik si Jeff dahil hindi niya nga naiba ang huling pangalan ng kanyang anak. Nakalimutan niya ito dahil sa maraming iniisip sa trabaho at sa iba pang problema niya.
“Ganun ba…? Sabihin mo sa babae yun anak… I mean sa nanay ng kaklase mo na inaayos na ng Papa mo ang mga papeles mo. Malapit ka nang maging isang Dy”
“Talaga po, Papa??” sambit ni Marie na lumiwanag ang mukha nito.
“Oo naman” sabay kurot sa pisngi ng anak “Anak kita eh”
“Thank you po, Papa ko” tayo ni Marie at niyakap ang kanyang ama.
“You’re welcome anak. Sige na, matulog ka na. May pasok ka pa bukas”
“Sabado kaya bukas, Papa. Walang pasok noh”
“Oo nga pala. Nakalimutan ko” ngiti ni Jeff “Pero kahit na. Matulog na dahil malalim na ang gabi”
“Sige po, Papa. Goodnight”
“Goodnight din, anak”
Kaagad nagtungo si Marie sa hagdan at umakyat papunta sa kanyang silid. Samantala si Jeff naman ay kinuha niya ang kanyang telepono at pinindot ito. Inilagay niya ang telepono sa kanyang tenga at naririnig niya na nagriring ito.
Sumagot naman ang sa kabilang linya. “Good evening, Atty Dimaguiba. Yes. I know its late pero may ipapagawa ko sa’yo, urgently” sambit ni Jeff sa kanyang kausap “Gusto ko sanang palitan ang buong pangalan ng anak ko para maging isa na siyang Dy. Yes. Thank you, Atty. Dimaguiba. Sige. Goodnight”
***
Kinabukasan. Late na nagpunta si Jeff sa kanyang opisina dahil tanghali na siyang nagising. Nang pagpasok niya ng gusali ay nandoon si Gwen na naghihintay sa kanya sa entrance.
“Good afternoon, Sir” bati ni Gwen “You’re late”
“Yeah I know. Tinanghali ako ng gising eh”
“Bakit Sir? Ano ba ang nangyari sa inyo?”
“Wala naman” sambit nito habang papasok sila ng elevator
“Sigurado ka..?”
Napatingin naman si Jeff sa pangungulit ni Gwen sa kanya “Oo. Bakit??”
“Concern lang po ako sa inyo, Sir”
“Bakit ka concern..? May I remind you na ako ang boss dito. I can do whatever I want”
“I know that, Sir. Pero baka malaman ng mga Presidente mo ang tungkol dito na palagi kang late…”
“… E ano?? Tatanggalin nila ako sa pwesto ko?? They cannot do that. I am the owner”
“Sir…”
“HINDI. AKO. MATATANGGAL. SA .PWESTO” sabat ni Jeff sa kanya “Naiintindihan mo?? Tumahimik ka na lang kung ayaw mo na ikaw ang papaalisin ko” hindi na lang kumibo ulit si Gwen at hinintay na lang nila na bumakas ang pintuan ng elevator.
Sa pagbukas nito ay nagulat si Jeff dahil nakita niya si Alvin na nakatayo sa labas ng elevator. Nakita niya na parang nanginginig ang buong katawan nito.
“Alvin??” sambit ni Jeff sa kanya pero wala itong imik “Okay ka lang ba?? Bakit ka nandito?? Wala ka bang pasok?”
“Mag-usap tayo” tanging sagot nito
“S-sige. Pero doon na lang tayo sa opisina ko” at tumingin siya kay Gwen “Iwan mo muna kami”
Kaagad naman sinara muli ni Gwen ang elevator para bumaba ito. Samantala sina Jeff naman ay pumasok na sa opisina niya.
Wala pa rin imik si Alvin at nakatitig lamang sa bintana. Tinititigan ang liwanag mula sa labas.
“Hon?? Bakit?”
“Huwag mo akong matawag-tawag na, hon”
“Galit ka pa rin ba sa akin?”
“Tinatanong mo ako kung galit pa ako sa’yo??” at tumingin siya kay Jeff “Oo. Galit na galit ako sa’yo, Jeff. Galit na galit”
“Sorry na nga, hon. Pinagsisihan ko na yun eh. Matagal na yon”
“Oo. Matagal na pero hindi mo pa rin ako masisisi dahil ginawa mo akong gago, Jeff”
Napatulo muli ang mga luha ni Jeff sa pagsisisi sa ginawa niya kay Alvin at tangkang lapitan niya ito. Pero umiwas si Alvin at lumayo ng ilang hakbang.
“Sorry, hon. Nagsisisi talaga ako sa ginawa ko sa’yo. Sorry. Bigyan mo naman ako ng pagkakataon para ipakita sa’yo na mahal kita”
“Mahal?? Hindi mo ako mahal, Jeff. Pumunta ka nga kay Riley diba?? Nagyakapan kayo at magpaplanong magbabalikan”
“Ano?? Kanino mo naman narinig ang maling balitang yan??”
“Kanino pa?? Edi kay Ben mo” at kinuha niya ang kanyang telepono at pinakita niya kay Jeff ang litrato nilang dalawa ni Riley na nagyayakapan “Huwag kang magsinunggaling dahil may ebidensya ako”
“Nagkakamali ka sa pagiintindi mo sa larawang yan” sagot naman ni Jeff “Oo. Nagyakapan kami dahil nagkapatawaran na kami sa mga ginawa namin sa isa’t-isa. At yun lang yun. Hindi kami nagkabalikan dahil ikaw ang mahal ko”
“Bullshit!” sigaw ni Alvin “Hindi mo na ako maloloko Jeff. Alam ko na kahit hindi kayo nagkabalikan ay mahal mo pa din siya. Hindi mo ako totoong mahal dahil simula’t sapul, siya ang laman ng puso mo. E hindi mo nga ako kayang pakasalan eh!!”
“Ano ka ba?? Mahal kita. Pakakasalan kita pero hindi pa ngayon. Alam mo naman ang rason diba?? Bakit napasok si Riley sa plano natin??”
“Dahil iyon ang totoo, Jeff. Kahit hindi mo pa sabihin. Alam ko na iyan ang totoo mong rason. Mahal mo pa si Riley” sagot ni Alvin na habang natutulo ang kanyang mga luha “Pero okay lang, tanggap ko naman na isa lang akong panakip-butas”
“Hon. Please. Ayusin natin ‘to”
“Huwag na, Jeff. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kaya kitang ipaglaban sa lahat. Kaya kong mamatay para sa’yo” punas ni Alvin sa mga mata niya na punong-puno ng luha “Pero hindi mo kayang ibigay sa akin yan dahil iba ang mahal mo. Kaya. Pinapalaya na kita, Jeff. Ayaw kitang nakikita na malungkot dahil nandito ka sa akin. Ayaw kong nahihirapan ka. Ang gusto ko ay maging masaya ka lang sa buhay mo, kasi mahal kita. Tandaan mo yan” sabaypagtalikod ni Alvin kay Jeff at kaagad lumabas ng opisina nito.
Ilang oras ang lumipas at nagpasya na lang si Jeff na umuwi na lang sa kanyang bahay para ipahinga niya na lang ang sarili dahil hindi rin siya makatrabaho ng maayos dahil may problema siya.
***
“Diba ang sabi ko… ayusin mo’to??!!” sigaw ni Jean sa isa niyang tauhan “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo yan??! Ang tanga-tanga mo eh!!”
“Sorry po, Madam”
“Sorry?? Yan parati ang sinasabi mo sa akin. SORRY” at tumayo si Jean sa kanyang upuan na parang pumuputok na ang ugat sa kanyang leeg “Luyamas ka nga sa harapan ko bago pa kitang masaktan..!”
Kaagad lumabas ang kanyang tauhan sa opisina nito. Si Jean ay ang nagmumuno sa isang kumpanya ng kanyang asawa na si Richard Teng, na kakompitensiya ng Dy Group of Companies.
“Kalma ka lang, pwede?” sambit ni Richard sa asawa na nakaupo sa isang upuan.
“Paano ako makakalma kung sadyang tanga ng mga tauhan mo?!” sabat ni Jean sa kanya “Simpleng utos lang, hindi pa makuha. Kung ako na lang sana ang pinamanahan ni Daddy eh. Hindi ako maghihirap ng ganito”
“Ano pa ba ang iniiyak mo? E may pwesto ka naman sa negosyo ko ah”
“Presidente ng isang Brewing Company?? Talaga Richard?”
“Oo. Magpasalamat ka pa nga na binigay ko sa’yo eh”
“Ayaw ko nito. Gusto ko ang posisyon ng baklang Jeff na yon. Yan ang gusto ko”
“Speaking of… kamusta na pala ang inutusan mong tao para mag ispiya sa kanila?”
“Ayon… hindi pa nagrereport sa akin”
“Baka naging loyal na siya sa kanila” sabat naman ni Richard “Ikaw din. Baka sinumbong ka na niya kina Jeff”
“Kakampi mo ba ako o kaaway??”
“Kakampi siyempre. Asawa kita eh”
“E bakit ganyan ka makapagsalita?? Para sa kanya ka kumakampi?”
“Hindi naman sa ganon” sabay tayo ni Richard at lumapit sa asawa at niyakap ito ng mahigpit “Yung akin lang naman ay iniisip ko ang pwedeng mangyari. Ikaw talaga, ang init ng ulo mo parati”
Napatingin sila sa pintuan dahil may pumasok na tao. Laking gulat ni Jean dahil pagkatapos ng ilang taon na pag-iispiya ay muling nagpakita ang kanyang inutusan.
“Sa wakas. Nagpakita ka na din sa akin” sambit ni Jean sa kanya.
“Sorry po, Madam. Marami po siya kasing pinapagawa eh” sagot nito “Masyado kasi siyang demanding. At recently, marami siyang ginagawa na hindi naman konektado sa negosyo. Kung hindi late, absent”
“Talaga, Gwen??” sabay ngiti ni Jean “Tignan mo naman, lumalabas na din ang totoong kulay ng baklang yan. Tinatamad na”
“Opo, Madam”
“Ano pa ang nalaman mo sa kanya?”
“Tungkol sa kanyang nobyo na si Alvin”
“Anong tungkol sa kanya?”
“Nag-usap sila kanina. Nakinig ako sa labas” pagkuwento ni Gwen kay Jean “Naghiwalay sila dahil may nakita si Alvin na larawan at pinakita niya ito kay Jeff”
“Talaga?? Ano?”
“Magkayakap silang dalawa ni Riley sa litrato”
Napatawa ng malakas si Jean sa mga balita ni Gwen sa kanya “Very good, Gwen” sabay palakpak niya ng malakas “Maaasahan ka talaga. Good job”
“Thanks, Madam”
“Sige na. Umalis ka na at bumalik ka na doon. Baka hinahanap ka niya na”
“Wala po siya doon”
“Bakit? Saan siya?”
“Umuwi siya dahil sumama daw ang kanyang pakiramdam dahil sa away nilang dalawa ni Alvin”
“Absent na naman siya??” sabay tango ni Gwen ng kanyang ulo “Mabuti yan. Habang namomoblema siya sa kanyang LOVELIFE ay pinabayaan niya din ang kanyang negosyo. At habang unti-unting humihina ang kanyang negosyo, doon ako papasok at magbabalik para iligtas ang Dy Group of Companies sa kamay ni Jeff. Aagawin ko sa kanya… I mean, babawiin ko sa kanya ang negosyo na dapat para sa akin”
“Ang talino talaga ng asawa ko” sabay yakap ng kanyang asawa “Susuportahan kita sa plano mo dahil kung mangyari man yan. Magmermerge ang dalawang malalaking kumpanya natin at tayo na ang pinakamayaman sa buong Pilipinas”
“Don’t worry, mangyayari talaga yan mahal ko na asawa” sagot ni Jean
Itutuloy…