Mr Chua: What??! Absent siya??!
Gwen: Yes Mr. Chua. Absent po si Mr. Dy ngayon. Sumama kasi ang pakiramdam niya.
MC: Oh eh saan ka ngayon??
G: Dito po ako ngayon sa office, Sir.
MC: Very Good. May ipapagawa sana ako sa’yo, Gwen.
G: Sige Sir. Ano po iyon?
MC: Pwede mo bang i-send sa e-mail ko ang powerpoint presentation na ginamit ng magaling mong amo nung sa meeting niya sa Higalgo Breweries?
G: Sige Sir. Mayroon po akong kopya Sir. Ako po kasi ang gumawa nun.
MC: What??! Ikaw pa gumawa nun na isang Assistant lang??
G: Yes Sir. Ako po ang gumawa kasi nawala sa isip ni Mr. Dy ang paparating na meeting eh. Ako na lang ang gumawa.
MC: Hay sige, Gwen. Pakisend na lang ngayon sa email ko. I-edit ko lang kung may dapat baguhin.
G: Sige po, Sir.
Binaba ni Mr. Chua ang kanyang telepono at minasahe ang kanyang balikat dahil sa narinig niyang balita sa assistant ni Jeff.
“So?? Ano na, Mr. Chua?” tanong ng isa niyang kasama sa coffee shop.
“Isesend ng kanyang Assistant ang powerpoint” sagot nito
“E saan ba siya?”
“Absent. Masama daw ang pakiramdam”
“Ano??”
“Yup. Yun ang sabi ng assistant niya na… may I remind you ha. Ang assistant niya pa ang gumawa ng presentation niya noon sa meeting nila”
“Talaga?? Paano yan? Sa assistant niya pa pinaubaya yun?” sambit ng isa “Kaya pala mali-mali o kulang ang presentation dahil iba pala ang gumawa”
“Yun nga eh”
“Paano yan?? May meeting ngayon ang Tan Prime Holdings at Hidalgo Breweries dito?”
“Hindi ko alam. Ang magaling amo natin kasi eh. How irresponsible” sagot naman ni Mr. Chua “How I wish na si Madam Jean na lang ang may-ari nito”
“Pero hindi mo ba naalala? Na na-bankrupt ang hinahawakan niyang kumpanya??” paalala ng isa sa kanya “E how much more naman kung marami ang hinahawakan niya?”
Hindi makapagsalita si Mr. Chua sa sinabi ng kanyang kasama. Pero napatingin silang dalawa dahil may palapit sa kanila na babaeng pamilyar ang mukha. Napatayo sila at kinamayan ito.
“Madam Jean” sambit ni Mr. Chua “You’re here”
“Of course, I’m here. May meeting kami dito ni Don Rolando para sa multi-million deal diba?” sagot ni Jean sa kanila “Na nabigo kayo na kunin ang deal na yon dahil sa magaling niyong boss”
“Oo nga, Madam eh” buntong-hininga ni Mr. Chua “How I wish kung ikaw na lang sana ang nagmumuno sa amin. Siguro ngayon ay nasa atin na ang deal na iyon”
“Haay. How sad nga eh” dugtong naman ni Jean “Pano kasi na ang baklang iyon ang pinaburan ni Daddy”
“Sayang naman, Madam”
“Pero don’t worry, andito pa rin ako para tumulong sa inyo. Siyempre, sa inyo pa rin ang loyalty ko” ngiti ni Jean sa kanila.
“Salamat po, Madam”
Napatingin si Jean sa pintuan ng coffee shop at nakarating na si Don Rolando ng Hidalgo Breweries para sa kanilang meeting.
“Andiyan na pala siya. I’ll see you guys later ha” paalam niya sa dalawang lalaki.
Tumayo at umalis sa kanilang mesa si Jean upang sunduin si Don Rolando sa pinto at kaagad sila naghanap ng bakanteng upuan. Nagdiskusyon silang dalawa para sa mga plano nilang pagpapatayo ng malaking brewing company sa Pilipinas at kung paano ito palakihin.
Samantala. Nakatingin si Mr. Chua at ang kasama niyang lalaki sa kanilang dalawa. Sumusulyap na tila naiinggit ito.
“Bakit hindi maalis ang tingin mo sa kanya, Mr. Chua?”
“Naiinggit lang kasi ako dahil wala na sa atin si Madam Jean”
“Bakit naman?”
“Tignan mo, Mr. Cruz” sambit niya sa kasama “Iyan dapat ang totoong lider natin. Masipag at dedikado sa kanyang trabaho. Hindi ang Jeffrey Dy na yun na tamad at puro lang sarili ang kanyang iniisip. Hindi niya sineseryoso ang binigay sa kanyang responsibilidad”
“Kung sa bagay. Tama ka, Mr. Chua” pagsang-ayon niya “Masipag talaga si Madam Jean. Nakikita talaga sa galaw ng isang tao ang kasipagan. Hindi sa salita lamang”
“Tama ka. Gusto ko na siya na lang sana ang mamumuno sa atin”
“Paano? Paano natin gagawin yun?”
“We will set a meeting. Gusto kong paalisin na si Jeffrey Dy sa kanyang pwesto bilang may-ari ng Dy Group of Companies”
***
Dakong alas-otso na nang gabi nakababa si Jeff mula sa kanyang mahabang pahinga sa kanyang silid. Nakita niya sa sala ang kanyang anak na si Marie na nanonood ng palabas sa telebisyon kasama ang kanyang lola na si Joyce.
“Mukhang masaya kayong dalawa sa pinapanood ninyo ah” sambit ni Jeff sa dalawa.
Kaagad tumayo si Marie mula sa kanyang inuupuan at tumakbo ito para yakapin ng mahigpit ang ama. “Papa… kamusta po ang pahinga ninyo?”
Ngumiti lang si Jeff sa anak at kinurot ang pisngi nito. “Nay, anong ulam natin ngayon?”
“Naku anak. Pasensiya na. Hindi ako nakapagluto eh”
“Bakit naman?”
“Sumama din ang pakiramdam ko anak. Parang tatrangkasuhin ako” sagot ni Joyce “Pero huwag kang magalala, anak. Tumawag na ako sa Jolibee para magpadeliver ng uulamin natin ngayon”
“Talaga Nanay-La?? Jolibee ang pagkain natin ngayon??” sulpot naman ni Marie sa usapan “Yey…! Sarap po yan, Nanay-La”
“Alam ko apo. Kaya nga bumili ako dahil alam ko na paborito mo eh”
“Wow. Thank you po, Nanay-La”
“You’re welcome, apo” sagot naman ni Joyce sa kanya. Bumaling ang tingin niya sa anak na parang mabigat pa din ang mukha kahit nakapagpahinga na ito. “Anak?? Okay ka lang?”
“Hindi po, nay”
“Bakit?? Anong nangyari?”
Tumingin si Jeff sa anak dahil parang may sasabihin ito “Marie?? Pwede bang umakyat ka muna sa kwarto mo?? May pag-uusapan lang kami ng Nanay-La mo”
“Sige po, Papa” kaagad naman tumakbo paakyat si Marie papunta sa kanyang silid.
Samantala ay umupo si Jeff sa sofa katabi ang ina niyang nag-aalala na sa kanya.
“Ano ba yun, anak?”
“Wala na kami ni Alvin, nay”
“Ano?? Bakit?? Anong nangyari, anak?” dugtong ni Joyce “Niloko ka ba ni Alvin?? Ano ba ang ginawa niya sa’yo?”
“Hindi, nay. Mabait na tao si Alvin. Hindi siya ang may kasalanan sa hiwalayan namin” paliwanag ni Jeff sa ina “Kundi ako”
“Ha? Ano ba ang ginawa mo, anak?”
“Niloko ko siya, nay” sabay tulo ng mga luha ni Jeff “Ang taong nagmahal sa akin ng tapat at totoo”
“Bakit ba, anak?? Ano ang ginawa mo?”
Tumahimik ng ilang minute si Jeff para ihanda ang sarili sa sasabihin niya sa ina “I had s*x with somebody na hindi ko kilala, nay” sabay punas ni Jeff ng kanyang luha “Pagkatapos nun, ginamit ko din siya para maisagawa ang mga plano kong paghihiganti kay Riley”
“Ano?? Ginawa mo yun??”
“Oo nay. Inamin ko kay Alvin ang tungkolsa taong yon dahil pinagbabantaan niya na ako dahil may nararamdaman na daw siya sa akin. Mahal niya na ako” kuwento pa ni Jeff sa ina “Katulad sa inaasahan ko, nagalit si Alvin at nasaktan ito sa pag-aamin ko sa kanya. Hindi ko sinasadya, nanay. Hindi ko sinasadya na saktan si Alvin” takip ni Jeff sa kanyang mukha habang umiiyak ito ng todo. “Nagsisisi talaga ako sa ginawa ko sa kanya at kay Riley”
Walang imik si Joyce kundi niyakap niya na lang ang anak ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na yakap dahil alam ng ina ang nararamdamang lungkot ng anak. “Sige lang, anak. Iiyak mo lang yan” sambit niya sa anak “Ang importante sa ngayon ay nagsisisi ka sa mga nagawa mong kasalanan sa kanilang dalawa. Hindi naman kita masisisi kung nagloko ka din, anak”
“Bakit, nay?”
“Kasi gusto mong maghiganti sa ginawa sa’yo ni Riley. Wala kang mapagbalingan ng sama ng loob kaya ginawa mo yun”
“Siguro nga, nay. Tama ka” pagsang-ayon ni Jeff sa ina “Napagbalingan ko si Alvin ng sama ng loob ko kay Riley”
Hinimas ng paulit-ulit ni Joyce ang likod ng anak para mapakalma na ito sa iyak “Tahan na anak. Huwag ka nang umiyak”
“Pero nay… Ano ang gagawin ko??”
“Pabayaan mo muna si Alvin para mapag-isip-isip at mapakalma din ang utak nito, okay??”
Tumango na lamang si Jeff bilang sagot niya sa payo ng ina. Pagkatapos ng masinsinang usapan ng dalawa ay kumain na agad sila dahil dumating na ang kanilang pinadeliver na pagkain.
***
Kinabukasan. Araw ng Linggo.
Pumasok si Jeff sa kanyang trabaho upang bumawi sa kahapon niyang pagliliban.
“Sir… andito ka?” bati ni Gwen kay Jeff na kakapasok lang sa opisina ng kanyang amo.
“Oo naman. Bakit?”
“Wala naman po, Sir. Nagulat lang ako”
“Nagulat talaga ha?” sagot naman nito “Oo nga pala, kamusta naman dito kahapon, nung wala ako?”
“Hmmm. Okay lang naman po, Sir. It runs smoothly naman kahapon habang wala ka”
“Good” ngiti ni Jeff “Gwen…?”
“Yes, Sir?”
“Nakalimutan ko pala ipaalam sa’yo kahapon na i-forward mo ang tinapos kong presentation para sa meeting ni Mr. Chua sa Hidalgo” paalam ni Jeff sa kanya “Nakatago yun sa e-mail ko”
“Talaga po?? May ginawa ka?”
“Yup. Nirevised ko yung ginawa mo eh. Para naman i-prove ko sa kanila na deserving ako bilang may-ari nito at hindi ako irresponsable”
“Ahmmm. Okay lang po, Sir. Binigay ko naman sa kanila ang ginawa mo”
“Talaga?? Naku. Salamat Gwen. Maaasahan talaga kita”
“You’re welcome, Sir”
Ngumiti ulit si Jeff sa kanya na parang nagpapasalamat ulit dito. “Sige na, Gwen. You may leave na”
Tumalikod kaagad si Gwen sa amo at lumakad patungo sa pintuan. Nang pagkahawak niya sa doorknob ay may kumatok dito. Binuksan ito ni Gwen at nakatambad sa labas si Riley na nakatayo.
“Riley…?” sambit ni Jeff
Pumasok naman si Riley na walang pasabi at si Gwen naman ay lumabas ng opisina at sinara ang pinto. Nagtungo siya sa pwesto ni Jeff na nakaupo.
“Kamusta ka na?” bati ni Riley sa kanya.
“Okay lang naman ako” sagot naman ni Jeff na parang nagtataka sa pagdating ni Riley sa kanyang opisina “Teka, bakit ka nandito?”
“Wala naman. Miss lang kita” sagot nito “Na-miss ko ang tao na rason kung bakit ako nabubuhay”
“Riley…”
“I know, Jeff. I know na friends lang tayo and I know it’s complicated dahil may asawa na ako” sambit ni Riley “Pero hayaan mo muna ako na bumawi sa’yo”
“Bakit?”
“Bakit?” ulit nito “Babawi ako sa’yo sa mga nagawa kong kasalanan sa’yo kasi mahal kita. At ikaw ang mahal ko. Hindi si Cindy”
“Riley. Please? May asawa ka na. Let’s respect her and your marriage” dugtong naman niya “Cindy and your son is your priority, not me”
“Pero ikaw ang mahal ko, Jeff. Hayaan mo muna ako ngayon nga mahalin kita, okay?”
Napahinga na lamang ng malalim si Jeff at sumang-ayon na lang sa alok sa kanya ni Riley. “Sige. Kung iyan ang gusto mo, okay lang sa akin”
“Talaga?? Yes!!” sigaw ni Riley “Sinagot ako ulit ng babe ko”
“Hindi kita sinagot…”
“…Sus, kasasabi mo lang eh. Sumang-ayon ka na oh. Daya naman ng babe ko” habang dumerecho siya sa upuan ni Jeff at niyakap ito ng mahigpit “Na-miss talaga kita, babe. Mahal na mahal kita”
Napahigpit ang yakap ni Riley sa nakaupong Jeff na tila ayaw niya talaga ito muli mawala sa kanyang bisig. Pero hindi nila namalayan na may nakatayo na pala sa pinto ng opisina ni Jeff. Si Alvin.
“So, it’s true. Nagkabalikan na kayo” sabi ni Alvin at napatingin ang dalawa sa kanya na parang nakakita sila ng multo.
“Alvin…” sambit ni Jeff “Mali ang ibig sabihin nang nakita mo”
“Mali?? E ano ang ibig sabihin ng yakapan ninyong dalawa? Wala lang?”
“Alvin?? Ikaw na ba yan?” dugtong naman ni Riley na tinitignan ang uniporme niya “Wow. Isa ka nang pulis. Grabe”
“Hindi ikaw ang kinakausap ko, Riley. Tumahimik ka”
“Bakit naman? Galit ka ba sa akin?”
“Hindi ako galit sa’yo. Kundi sa inyong dalawa!!”
“Alvin. Huwag kang mag-iskandalo dito sa opisina ko. Wala kaming ginagawang masama ni Riley” sulpot naman ni Jeff sa usapan.
“Teka. Ano ba ang kinagagalit ni Alvin sa atin?” tanong naman ni Riley sa kanya.
“Nagtatanong ka pa?? E ikaw nga ang puno’t dulo nang lahat ng ‘to”
“E bakit ako? Ano ba ang problema mo sa akin ha??!” dugtong ni Riley na tila uminit na ang ulo sa sinabi sa kanya ni Alvin.
“Ikaw! Wala nang iba. Ang buong pagkatao mo ang hindi ko gusto dahil mang-aagaw ka” panduduro ni Alvin sa kanya
“Ano ang ibig mong sabihin na mang-aagaw? Wala akong inaagaw sa’yo”
“Akin lang si Jeff. Mahal ko siya”
“Ano??” sambit ni Riley na tila nagulat sa narinig at tumingin siya kay Jeff “Naging kayo ba ni Alvin?”
“Oo, Riley” sagot nito “Naging kami sa loob ng anim na taon” at himawakan niya ito sa braso “Umalis ka na lang muna, mag-uusap muna kami ni Alvin. I will explain everything sa’yo kapag sa susunod nating pagkikita”
Sumang-ayon naman kaagad si Riley sa pakiusap sa kanya ni Jeff at lumabas ng opisina at umuwi na lang ito.
Itutuloy…