Tinanggap naman ni Riley ang pakiusap sa kanya ni Jeff na umuwi na lang muna kasi mag-uusap pa sila ni Alvin. Gusto niya magpaliwanag kay Alvin sa kanyang nakita at para hindi na madagdagan ang kanyang masamang iniisip.
“Alvin. Let me explain”
“Ano pa ang ipapaliwanag mo, Jeff? Nakita ko na mismo ng dalawang mata ko na sweet na sweet kayo sa isa’t-isa” sambit ni Alvin “Totoo nga ang sinabi ni Ben sa akin.”
“At doon ka naniniwala sa kanya??”
“Sa totoo lang, Jeff. Hindi ako naniwala sa kanya” pag-aamin niya kay Jeff “Nung nagalit ako sa’yo nun at hiniwalayan kita, nasabi ko lang yon dahil nasasaktan pa ako. Pero ang totoo, mahal na mahal pa rin kita. At pumunta dito ako ngayon para bigyan kita ng pagkakataon subalit nakita ko kayo na mahigpit ang yakapan” sabay muli pagtulo ng luha ni Alvin “Ngayon, alam ko na talaga. Totoo nga na mahal mo pa rin siya”
“Hon…”
“Jeff. Please. Tama na. Tigilan na natin ang palabas na ‘to. Masyado na akong nasasaktan”
“Hon naman. Mahal kita eh. Huwag mo naman gawin ito sa akin. Huwag mo naman akong pahirapan”
“No. Hindi kita pinahihirapan. Ang totoo nga, pinapalaya na kita at binibigay sa totoo mong mahal eh” sabay ngiti ni Alvin habang tumutulo pa din ang kanyang mga luha “Masakit. Inaamin ko. Masyado talaga akong nasasaktan kasi matagal na tayong magkasama eh. Anim na taon din ang pagsasama natin. Sabay na gumawa ng pangarap. Kasal at magbuo ng masayang pamilya kasama ang anak mong si Marie”
“Pero pwede pa din natin gawin yon, hon. Pwede pa. Mahal kita eh”
“Huwag na, Jeff. I know na hindi ka magiging masaya sa piling ko” dugtong ni Alvin “Kaya pinapalaya na kita, Jeff. Salamat sa lahat. Paalam”
Pagkatapos ng matinding iyak ni Alvin ay kaagad siyang umalis at lumabas sa opisina ni Jeff. Samantala si Jeff naman ay nakatayo lang malapit sa kanyang mesa at nakatitig sa pintuan.
***
“Oh? Anong sabi ng ispiya mo?” sambit ni Richard sa asawa.
Nakatayo si Jean malapit sa bintana habang binababa niya ang kanyang telepono at nilagay sa bulsa. Nakangisi siya na tila masaya sa narinig ng kausap sa telepono. “Talagang pumapanig sa akin ang tadhana”
“Bakit naman?”
“Bumalik muli si Alvin kanina daw sa opisina ni Jeff” kuwento ni Jean sa asawa “Pero ang mas masaya, ay nandoon si Riley. Nahuli silang dalawa nagyayakapan”
“Mabuti kung ganon. Madadagdagan pa lalo ang pagkawala ng focus ng Jeff na yan sa negosyo dahil sa problema niya sa pag-ibig”
“Tama ka. Haaay. I am so excited. Ramdam na ramdam ko na ang lambot ng upuan ng opisina ngayon ni Jeff. I can feel it right now” sambit ni Jean na habang nakangiti ito “Mapapasaakin din ang lahat na dapat sa akin”
“Malapit na. Malapit na malapit” dugtong din ni Richard sa asawa.
“Tama. Nagpapasalamat ako sa aking ispiya na si Gwen. Maaasahan talaga siya”
“Oo nga pala. Kamusta ang meeting mo kahapon kay Don Rolando?”
“Ayon. Papayag na sana siya kung hindi niya nakita na nakabantay ang mga opisyal ng Jeff na yon”
“Bakit sila nandoon?”
“Nagbabantay”
“Ano?”
“Binabantayan nila tayo para makasalisi sila at para makakuha ng pagkakataon para makausap muli si Don Rolando”
“Salisi?? What a desperate move” dugtong ni Richard “So kamusta? Nakausap nila? Baka nakuha nila ang deal, Jean”
“Don’t worry, hindi nila nakausap. Sinadya ko talaga na pumunta sila doon at makita sila ni Don Rolando” paliwanag ni Jean sa asawa “Para mawala na ng tuluyan ang gana ng matandang yon sa kanila dahil ang kukulit nila” habang nakangiti pa din ito “At para sisisihin nila si Jeffsa nangyari dahil hindi nga niya nakuha nun habang may pagkakataon sila at ako na naman ang bida sa kanila”
“Mabuti. So, nakuha natin kung ganon?”
“Hindi din”
“Ano?! Bakit hindi?”
“Pag-iisipan niya pa daw kung sino at ano ang gusto niya”
“So kelan ?”
“Hindi ko alam. Basta ang importante, sigurado na nasa atin mapupunta ang deal na yon at hindi kina Jeff”
“Sana nga” sagot ni Richard na parang nai-iistress na ito
“Huwag kang mag-alala, okay? Everything will be alright” paniniguro ni Jean sa asawa “Mapapa sa atin din ang lahat nang yan. Pero may isa pa akong pinoproblema”
“Sino?”
“Ang kakambal ni Jeff. Si Joey, also known as Joaquin”
“Ano naman ang sa kanya?? Diba pinapatay mo na ang mga umampon sa kanya?? Siguro naman ay natakot na siya at hindi na siya mangingialam sa pamilya ninyo”
“Oo. Pero ang inaalala ko na baka nakita na siya ni Jeff at humingi ng tulong” sagot ni Jean “Kinakabahan ako na baka bumalik siya at kunin ang kanyang mana”
“E anong plano mo?”
“Meron na. Pero hindi ko muna sasabihin sa’yo. Isang malaking pasabog”
***
Nagkatotoo nga ang pinangangambahan ni Jean. Bumalik nga ang kakambal ni Jeff na si Joaquin sa kanilang buhay. Nakatayo si Joaquin sa gate ng mansyon ni Jeff at tila namamangha sa kanyang nakita sa malaking bahay.
‘Wow. Ang laki namang bahay na ‘to. Hindi ko akalain na ganito kayaman ang pamilya ko’ sambit ni Joaquin sa kanyang sarili.
Napatingin siya sa kanyang likuran dahil may sasakyan na huminto at tila papasok na sa mansyon. May lumabas na tao na kamukhang-kamukha niya mula sa sasakyan.
“Kuya?” sambit ni Jeff, sabay sara ng pinto ng sasakyan.
“Jeff?” sagot naman niya “Salamat sa Diyos dahil nakita na kita. Ilang araw din ang paghahanap ko sa inyo”
“Oo. Bakit ka nandito kuya? Ano ba ang nangyari?”
“Gusto ko lang naman makilala ang totoo kong pamilya” sagot ni Joaquin “Pasensiya na ha? Kung hindi ko tinanggap nung una ang alok mo na tumira at mamuhay dito kasama ninyo. Hindi ko kasi matanggap eh”
“Ayos lang yon, kuya”
“Hindi. Hindi ayos yun sa akin, Jeff. Kasi tinalikuran ko ang sarili kong pamilya” sagot naman niya sa kakambal “Pasensiya na talaga”
Hindi sumagot si Jeff sa sinabi kapatid at niyakap na lang ito ng mahigpit “Huwag kang mag-alala, kuya. Hindi naman kami galit sa’yo” sambit ni Jeff “Pumasok na tayo. Naghihintay ang nanay natin sa loob”
Sumang-ayon naman si Joaquin sa sinabi nga kapatid niya at kaagad silang pumasok ng gate at sa mansyon.
***
Nauna pumasok si Joaquin ng mansyon dahil pinark pa ni Jeff ang kanyang sasakyan. Nang pagpasok ni Joaquin ay nabigla siya sa kanyang nakita. Manghang-mangha siya dahil ngayon lang siya nakapasok sa ganitong kalaking bahay at puro mamahalin ang lahat ng mga gamit dito.
Nagulat din siya dahil may batang yumakap sa kanyang mga binti. “Hello Papa. Kamusta ka po?” sambit ni Marie sa akala niyang ama.
Hindi naman sumagot si Joaquin sa bata at ngumiti lang ito at hinimas ang ulo.
“Marie. Anak. Hindi yan ako” sambit ni Jeff na nasa likuran ng kanyang kakamabal na habang tumatawa sa kanyang nakita.
“Po..?” sambit ni Marie na nalito din sa nakita “Sino po siya, Papa?”
“Tito mo yan, Marie. Kakambal ko”
“Wow” sambit ni Marie at tinitignan mula ulo hanggang paa ang kanyang tito “Kamukhang-kamukha mo talaga, Papa”
“Hello. Anong pangalan mo?” tanong ni Joaquin kay Marie.
“Ako po si Marie Dimasalang. Apilyedo po ng Mama ko ang dinadala ko” sagot naman ni Marie “Pero nangako po si Papa na magiging Dy na ako”
“Talaga? Ang kyut mong bata ka” sabay kurot ng malakas ni Joaquin sa pisngi ng bata.
Napahawak naman agad ni Marie ang kinurot na pisngi nito “Ang sakit po nun, Tito”
“Sorry Marie. Kyut mo kasi eh” ngiti ni Joaquin. Sumalyap siya kay Jeff na kasalukuyang kinakarga ang kanyang anak “Jeff? Saan ang nanay natin?”
“Si Nanay?” ulit ni Jeff “Baka nandoon sa kwarto niya. Nagpapahinga. Masama kasi ang pakiramdam eh”
“Talaga? Sayang naman. Gustong-gusto ko na siyang makita eh”
“Maghintay ka lang, kuya. Mamaya ay lalabas na si Nanay”
“Sige..”
“Kung gusto mo, manood ka na lang muna ng TV”
“Huwag na Jeff. Hindi kasi ako mahilig manood ng TV eh” sagot ni Joaquin “Gusto mo, tagay na lang tayo?”
“Ha? Ano yan?”
“Inuman tayo. Gusto mo?”
“Naku. Pasensiya na. Hindi kasi ako umiinom eh”
“Sayang naman”
“Kung gusto mo, ikaw na lang ang uminom”
“Ako lang? Ayaw ko. Gusto ko na may kasama ako eh”
“Ganon? Pasensiya na. Hindi talaga ako umiinom eh”
“Jeff..?? Anak??” tawag ni Joyce na habang pababa ng hagdanan “Sino ang kasama mo?”
Napatingin ang kambal sa hagdanan na habang bumababa ang kanilang ina. Lalung-lalo na si Joaquin dahil ngayon niya lang nakita ang totoo niyang nanay.
“Nay..?” sambit ni Jeff sa ina “Si Kuya Joey po, ang kakambal ko”
Matagal ang pagtitig ni Joyce sa anak na tila nagulat ito. Sa wakas ay nakita niya ito sa personal, kasi sa litrato niya lang ito nakikita ang anak dahil sa mga pang-iimbestiga ni Jeff sa kapatid sa nakalipas ng mga taon. “Anak?? Joey??Ikaw na ba yan?”
“Opo” tanging sambit nito.
Linapitan ni Joyce ang anak at niyakap ng mahigpit. Tumulo ang kanyang mga luha dahil sa wakas ay nandito na ang kanyang isang anak. “Matagal ang hinintay ko na panahon para makita ka, anak. Kung alam mo lang.” sabay yakap ni Joyce sa kanya “Akala ko ay namatay ka na kasama ni Ming noon nung ninakaw ka niya sa akin, pero nag sabi ng tatay mo ay buhay ka at nakita ka niya. Sana mapatawad mo ang nanay dahil nawala ka noong sanggol ka pa lang”
“Huwag ka na pong maghingi ng tawad, nay. Sinabi na sakin lahat nun ni tatay nung nagkita kami” kuwento ni Joaquin sa ina “Sinabi niya din sa akin na sumama na lang daw ako sa kanya noon para makita at makilala ko ang totoo kong pamilya pero tumanggi ako kasi hindi ko natanggap na hindi ko pala totoong magulang ang kinalakhan kong mga magulang”
“E ano ang nag-udyok sa’yo na pumunta dito ngayon, anak?” tanong ni Joyce sa kanya. Biglang umiyak si Joaquin sa tanong ni Joyce “Oh? Bakit ka umiiyak, Joey? May problema ba?”
“Sorry po, nay” sabay punas ng mga luha niya “Wala na sila kasi eh. Patay na sila. Kaya andito ako sa inyo ngayon dahil wala na akong pamilya na malalapitan” at tumingin siya sa kanyang kapatid “Jeff? Sana matanggap ninyo pa ako ng nanay. Humingi din ako ng tawad sa’yo dahil naging matigas ang ulo ko dahil hindi ko tinanggap noon ang alok mo”
“Welcome ka dito sa bahay natin, kuya. Huwag ka nang humingi ng tawad sa amin. Naiintindihan ko kung bakit mo hindi mo tinanggap noon ang alok sa sa’yo” sambit ni Jeff “Basta ang importante ay nandito ka na sa amin. At kumpleto na tayo”
Magkalipas ang kanilang kuwentuhan at iyakan nilang tatlo ay kumain sila ng hapunan. Kaagad naman natulog si Marie dahil may pasok pa siya kinabukasan sa paaralan.
Samantala naman, nakaupo pa din silang tatlo sa hapagkainan; Sina Jeff, Joaquin at ang kanilang ina na si Joyce na tila hindi pa tapos ang kanilang kuwentuhan.
“Joey anak”
“Bakit nay?”
“Okay lang ba sa’yo na kung itanong ko kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng mag-asawang nag-aruga sa’yo noon?”
“Opo, nay. Ayos lang” sagot ni Joaquin na parang bumalik ang lungkot sa kanyang mukha “Tinamabangan sila ng mga nakamotor na mga lalaki, at pinagbabaril eksaktong dalawang gabi ang nakakaraan” kuwento niya sa ina at sa kapatid “Hindi ko alam kung ano ang rason ng mga taong yon kung bakit pinatay nila ang mga magulang ko”
“Wala ba silang kalaban o may naging kaaway sa lugar n’yo, kuya?” tanong ni Jeff.
“Wala. Sigurado ako doon kasi ang babait nina tatay at nanay. Lahat ng mga tao dun sa amin ay kaibigan nila”
Biglang natahimik si Jeff sa nalaman niya sa kanyang kapatid. Parang kilala niya na kung sino ang mga iyon. “Parang kilala ko na kung sino ang gumawa yon”
“Sino anak?”
“Sino pa? Kundi ang magaling kong kapatid na si Jean”
“Kapatid natin?” ulit ni Joaquin
“Oo kuya. Pero kapatid lang natin sa ama” sagot ni Jeff “Si Jean ang pinakabatang anak ni tatay sa ibang babae. Siya din ang kontrabida sa buhay natin”
“Paano ka naman nakakasiguro na siya ang nasa likod nang pagpatay nina tatay at nanay, Jeff?’
“Hindi ko alam. Pero malakas ang kutob ko na siya ang nasa likod nito” sagot ni Jeff “Ang tanging rason lang na nakikita ko ay nakikita ka niya na isang malaking tinik sa kanyang lalamunan sa pagkuha ng mana na iniwan ng tatay sa atin. That’s why gusto ka niyang pahirapan. Kaya pinapatay niya ang mga kinikilala mong magulang”
“Pero anak. Hindi pa tayo nakakasiguro na si Jean ang nasa likod” dugtong ni Joyce “Wala pa tayong matibay na ebidensiya”
“We will. Tiwala lang, nay. Makakahanap din tayo ng pruweba na siya ang utak ng pagkamatay ng mga kinikilalang magulang ni kuya” paniniguro ni Jeff sa ina. Tumingin naman siya agad sa kanyang kakambal “Gagawin ko ang lahat para bigyan ng hustisiya ang pagkamatay nila, kuya”
“Maraming Salamat, Jeff”
Itutuloy…