DIAMANTINA’S POV MATAPOS ang pag-uusap na iyon naming apat ay nagpatuloy na ulit kami ni Aston sa paglalakbay. Pinilit man kami nina Kiko at Theo na bumalik na lang sa village ay hindi naman kami pumayag. Ako, gusto kong bumalik na lang sa bahay ni Tita Purisima. Si Aston naman, ayaw niya sa village dahil limitado ang pagkain at galaw niya. “Grabe, `no? Hindi natin akalain na magjowa pala sina Theo at Kiko…” Nagbukas ako ng topic habang naglalakad kami. “Kaya nga, e. Pero mas grabe ka!” “Ha? Bakit naman?” “Dahil ang bulis mo silang napatawad. Kung ako iyon, baka habangbuhay ko silang hindi papansinin!” “Ganoon naman kasi dapat… Dapat, marunong tayong magpatawad sa mga tao kahit na nasaktan nila tayo. Parang ikaw, napatawad na kita sa pang-aasar at panlalait mo sa akin!” Bigla akong n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


