DIAMANTINA’S POV HINDI ko alam kung gaano na ako katagal na nakapikit. Hindi naman kasi ako makatulog lalo na at alam kong isang dangkal lang ang layo ni Aston sa akin. Isa pang dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay iniisip ko pa rin iyong mga sinabi niya kanina. Naging assuming kasi ako bigla na paano kung may gusto na nga siya sa akin? Pero kinokontra naman iyon ng katotohanan na pangit ako at iyong sinabi niya noon na hindi siya magkakagusto sa pangit. Bigla akong napamulat nang makarinig ako ng malakas na tunog. Parang gumuguhong mga bato. Kinakabahan na napakapit ako sa braso ni Aston. “A-ano iyon?” “Hindi ko alam pero parang guguho na itong mga semento! Maghanda ka, Diamantina!” “Ano?! Mamamatay na tayo?!” “Basta, maging handa ka!” Pati si Aston ay natataranta na rin katula

