LEXY’s POV Muntikan na akong sumubsob papunta sa harapang bahagi ng sinasakyan kong taxi kung hindi lamang ako nakasuot ng seatbelt. Grabe naman itong si kuyang taxi driver magpreno, parang wala ng bukas. Kaagad kong inayos ang nagulo kong curly hair at pagkatapos ay tumingin sa labas ng bintana. Lexy: O, Kuya Leopoldo, bakit bigla tayong tumigil? Kanina ay naitanong ko na sa driver ng taxi na sinakyan ko ang pangalan nito dahil kinontrata ko talaga ito para sa aking misyon ngayong araw. Ang Oplan Tita Riza at Tito Hector, Huli Kayo! Oh, wait. Scratch that. Erase, erase, erase. Hindi ko nga pala dapat nirerespeto ang dalawang iyon dahil sa kababuyang ginawa nila sa aking dalawa. Oplan Riza at Hector, Huli Kayo. There, much better. And, yes, kung hindi gustong makinig ni Tita Raq

