LEXY's POV
Hindi ko alam kung bakit nakikipag-meet itong si Ethan sa akin dito sa isang fast food chain ngayon. Nitong mga nakaraang araw ay masyado akong busy sa pangungulit sa kinakapatid kong si Joshua. Gusto kong malaman ang relasyong mayroon siya kay Tita Riza.
Mukhang late pa yata si Ethan. Lumilinga-linga ako sa paligid nang may nakita akong dalawang tao na familiar sa akin. Nilapitan ko sila.
Lexy: Hi, Tita Raquel.
Nagulat si Tita Raquel nang humarang ako sa daraanan niya. Sigurado akong si Tita Riza itong kasama niya. Hindi pa man kami naipakikilala sa isa't isa ng personal, pero nakikita ko na ang pagmumukha niya sa photo albums sa bahay nina Margie. Hindi ko siya gusto. Masama ang vibes ko sa kanya.
Raquel: Oh, Lexy. What a surprise, hija. May kasama ka ba?
Lexy: Ah...
Hindi niya rapat malaman na magkikita kami ni Ethan. Baka masamain pa niya?
Lexy: Mag-isa lang po ako. Nagpapatanggal ng stress mula sa studies.
Sinamahan ko pa ito ng tawa. Ang hirap makipagplastikan kay Tita Raquel. Alam kong ganoon din siya sa akin dahil nararamdaman kong ayaw niya sa akin para kay Mikel.
Raquel: Oh, I see. By the way, hija, this is my younger sister, Riza.
Lumingon si Tita Raquel kay Riza at ipinakilala ako. Inilahad ni Tita Riza ang kanyang kamay sa harap ko. Nakikita ko sa mga mata niya ang paghihinala. Inabot ko ang kanyang palad at nakipag-shake hands.
Riza: Nice meeting you, Lexy. Ikaw pala ang girlfriend ng pihikan kong pamangkin. It's good to see you in the flesh.
Ngumiti ako ng sobrang tamis.
Lexy: Same here, Tita Riza. My pleasure.
Raquel: Oh, siya, hija. Maiwan ka na muna namin. May bibilhin pa kami ni Riza. Bibigyan namin ng surprise gift ang Tito Hector mo para sa kaarawan nito.
Oh. Si Tito Hector. Ang walanghiyang siyang dahilan kung bakit hindi na-save ang video ng nakita kong pag-uusap nina Joshua at Tita Riza noong birthday ni Joshua.
Aaminin ko na kahit galit ako sa kanya ay nandito pa rin ang pagnanasa ko para kay Tito Hector. Napaka-hot pa rin niya sa panlasa ko. Hindi nga lang ako nakapag-focus sa libog ko sa kanya noong huli kaming magkita rahil sa inis ko sa kanya.
So birthday pala ni Tito Hector. Kailan kaya 'yon? Ano kaya kung gamitin ko ang birthday niya para sa pansarili kong interest? Hmmm... Hindi lang ako masasarapan, malalaman ko pa ang sikretong itinatago ni Tita Riza.
What a brilliant idea, Lexy.
Napangiti na lang ako sa planong aking iniisip.
----------
MARGIE's POV
Kanina pang palakad-lakad sa harapan ko si Joshua. Kung hindi ko lang siya itinuturing na kaibigan ay maiirita ako sa ginagawa niya. Nandito kami sa isang park ngayon. May sasabihin daw siya sa akin.
Nitong mga nakalipas na araw ay mabilis kong nakapalagayan ng loob si Joshua. Pero hindi ko pa siya naipakikilala sa boyfriend ko. Sa tuwing magkasama kasi kami ni Ethan ay nakatuon lang ang focus ko sa pinakamamahal kong boyfriend. Though inaamin kong napapansin kong medyo aligaga ang boyfriend ko nitong mga nakalipas na araw. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.
Joshua: Margie?
Ang cute tingnan ni Joshua. Para itong bata rahil magkasalikop pa ang dalawang palad. Parang nanghihingi ng permiso sa akin.
Margie: Oh? Ano 'yon? May sasabihin ka, 'di ba?
Joshua: Ano kasi...eh, nahihiya ako.
Napakamot ito sa batok at namumula na ang mukha.
Joshua: Ah, eh, gu-gusto ko sanang man-man...
Napakunot na ang aking noo.
Margie: Man? Ano?
Joshua: Man...manlibre. Oo. 'Yon nga. Gusto ko ngang manlibre. Cake. Cake na lang.
Pinagpapawisan na ito ng malapot.
Margie: 'Yon lang? Sigurado ka?
Tumango ito na nakayuko.
Margie: Sus. 'Yon lang naman pala. Halika na. Mahilig pa naman ako sa cake.
Nakangiti na ito ngayon, pero namumula pa rin ang mukha.
----------
LEXY's POV
Kainis naman itong si Ethan. Nag-cancel. Leche! Humanda siya sa akin. Sisingilin ko siya sa pamasahe ko papunta rito.
Biglang nag-ring ang phone ko. It's Mikel.
Lexy: Hello?
Mikel: Lexy, can we talk?
Hindi ko alam pero para akong kinutuban nang marinig ko ang boses ni Mikel. Para siyang natatakot.
Lexy: Of course. Why not? Ngayon na ba?
Matagal bago nakasagot si Mikel.
Mikel: No. No. Some other time. I just want you to know that I love you.
'Yon lang at tinapos na niya ang tawag.
Weird.
----------
JOSHUA's POV
Ang ganda talaga ni Margie. Nawawala ang concentration ko sa kanya. Pero bahala na. I'm willing to take a risk. Masyado ng mahaba ang sinayang kong panahon. It's now or never.
Iniabot ko sa kanya ang cake na binili ko.
Joshua: Buksan mo na lang 'yan pagdating sa bahay ninyo.
Margie: Wow, Joshua. Ang laki naman ng cake na ito. Ako lang naman ang nililibre mo.
Napakamot ako sa aking batok.
Joshua: Para 'yan sa 'yo at kina Tita Raquel, Tito Hector, at Mikel. Pasasalamat ko na 'yan kasi pumunta ka sa birthday ko noon. Napasaya mo ako ng araw na 'yon.
Margie: Sus. Nagda-drama ka pa riyan. Friends na tayo, 'di ba? Ako nga ang dapat na magpasalamat kasi nagkaroon ako ng new friend. Alam mo bang si Lexy lang ang totoo kong kaibigan sa buong buhay ko? Ngayon, dalawa na kayo.
Hay naku. Kung alam lang niya na iba ang habol ko sa kanya.
Joshua: Sige na. Uwi na tayo. Baka gabihin ka pa?
----------
THIRD PERSON POV
Isang tao ang nakatulala sa harap ng kanyang laptop. Nakatitig siya sa larawan ng lalaking hinahangaan niya. Matagal nang naka-save ang picture na 'yon sa laptop niya. Pinaglandas niya ang hintuturo sa mukha ng lalaking nasa larawan. Matagal na niyang hinahangaan ito. Pero wala siyang lakas ng loob aminin ito sa lalaki. Lalo na ngayon na mas malapit na ito sa kanya. Mas lalo siyang nauunahan ng hiya.
----------
HECTOR's POV
Anak ng! Ang galing gumiling nitong babae sa harapan ko. Tinatayuan na ako. Mabilis kong ibinaba ang zipper ng pantalon ko at dinukot mula sa loob ng aking boxer shorts ang unti-unti kong naninigas na alaga.
Nakita ko ang sindak sa mata ng babaeng nasa harapan ko. Naroon din ang pagkatakam sa nakikitang laman nito sa pagitan ng hita ko. Itinaas-baba ko ang aking palad sa malaki kong alaga at tinitigan ko ang babae ng nakakaakit.
Hector: Eat your food, baby.
Parang isang hayop na hayok sa laman ang babae at dali-daling isinubo sa bibig nito ang matigas at mahaba kong alaga. Napaungol ako ng malakas.
Hector: Malandi kang babae ka. Sinira mo ang tiwala sa 'yo ni Riza.
Malanding ngumiti ang babae sa akin habang subo-subo nito ang alaga ko.
Babae: Nagkamali siya ng pinagkatiwalaan.
----------
MARGIE's POV
Mabuksan na nga itong cake box na ito. Hindi ko na mahintay sina Daddy, Mommy, Kuya at Tita Riza. Uunahin ko na munang mag-dessert bago kami mag-dinner mamaya.
Pagkabukas ko ng karton ay nagulat ako sa nakasulat na dedication sa ibabaw ng chocolate cake na nasa harapan ko. Oh my gosh. Totoo ba ito?
"Margie, can I court you?"
Napatakip ako sa aking bibig sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses sa likod ko. Mabilis akong napalingon.
Margie: E-Ethan...
----------
itutuloy...