MARGIE's POV
Oh no. Si Ethan. Nabasa niya ang dedication sa ibabaw ng chocolate cake na ibinigay sa akin ni Joshua.
Ethan: What's this, Margie?
Naiiyak ako. Paano ko ba ipaliliwanag sa kanya?
Margie: Ah... Uhm... Ano kasi, Ethan, bi-bigay sa akin itong cake ng ba-bagong friend ko. Gu-gusto kong ikwento sa 'yo kaso lagi kong naka-nakakalimutan.
Yumuko na ako rahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata ni Ethan na parang hinahanap sa mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.
Ethan: Kaibigan? Kaibigan ba 'yang gusto kang ligawan?
Nag-angat ako ng tingin.
Margie: I-I'm sorry, Ethan. Wa-wala akong alam dito. Nga-ngayon ko lang nakita---
Bigla niyang pinutol ang pagsasalita ko.
Ethan: Sino siya?
Medyo naguluhan ako.
Margie: Ha?
Ethan: Sino 'yong lalaking nagbigay sa 'yo nitong cake?
Nakikita ko ang pamumula ng mukha ni Ethan. Nakakuyom na rin ang dalawa niyang kamao.
Margie: E-Ethan?
Ethan: Just tell me the freaking name, Margie!
Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Sumisigaw na si Ethan. Nagagalit na siya.
Margie: Ethan, maniwala ka---
Muli niyang pinutol ang pagsasalita ko.
Ethan: Sasabihin mo ba ang pangalan o hindi?
Napayuko ako at nagsalita ng mahina.
Margie: Joshua. Joshua Dela Cruz.
Nakita ko ang pagtalikod ni Ethan at dali-dali siyang lumabas ng dining room. Hinabol ko siya.
Margie: Ethan! Ethan, wait! Saan ka pupunta?
Tuluy-tuloy siyang lumabas ng bahay namin hanggang sa gate. Pagkalabas niya ng gate ay agad siyang sumakay sa kotse niya. Hinabol ko pa rin siya at kinatok ang bintana ng kotse. Hindi niya ako pinapansin.
Margie: Ethan, please! Kung may iniisip kang hindi maganda, pag-usapan muna natin.
Narinig ko ang pag-andar ng engine. Lumayo ako sa kanyang kotse. Sunud-sunod na ang patak ng luha ko. Ilang sandali lang ay humarurot na ang sasakyan ni Ethan palayo.
Margie: Oh, no. Ano ang gagawin ko? Baka puntahan ni Ethan si Joshua? Tatawagan ko si Joshua.
----------
THIRD PERSON POV
Kinabukasan sa isang kwarto ng maliit na motel ay nakatitig ang isang babae kay Hector hanggang tuluyan na nitong maisuot ang lahat ng damit na kanina ay hinubad nito para magtalik sila. Sarap na sarap ang babae sa unang pagtatalik nila ni Hector. Tama ang hinala niyang masarap talaga ang older men.
Babae: So?
Hector: So, what?
Magkasalubong ang mga kilay ni Hector.
Babae: Uhm... Kailan-kailan 'to pwedeng maulit?
Tumawa ng malakas si Hector.
Hector: Depende. Kapag naghanap na naman ng ibang putahe ang katawan ko maliban kay Riza.
Hindi binanggit ni Hector na kahapon lang ay may ibang babae itong katalik na hindi si Riza.
Yumuko ang babae na parang napahiya. Alam niyang kabit ni Hector si Riza at ngayon ay wala siyang ipinagkaiba rito.
Babae: So hindi natin 'to ginawa rahil gusto mo ako?
Napangisi si Hector na parang nang-iinsulto.
Hector: Huwag ka ngang umarte riyan na parang ako ang lumapit sa 'yo. Ginusto mo 'to, di ba? Nilandi-landi mo ako tapos iisipin mong gusto kita?
Napailing si Hector habang nakangisi sa harapan ng babae.
Hector: Gusto ko lang matikman 'yang masarap na katas sa pagitan ng mga hita mo. Huwag kang mag-alala. Nasarapan naman ako kahit papaano. Pero mas magaling pa rin si Riza. Maganda lang talaga 'yong tumitikim-tikim ako ng ibang putahe paminsan-minsan. Nag-enjoy ka rin naman sa alaga ko, 'di ba?
Tumango ang babae na nanatili pa ring nakayuko.
Hector: Mahal ko si Riza at wala akong balak magmahal ng iba pa. Kaso lalaki ako. Minsan nakakaumay kapag paulit-ulit ang natitikman ko. Kaya pinatulan ko na 'yong pang-aakit mo. Katawan lang naman ang habol ko sa 'yo. Pasalamat ka nga rahil 'yong kaibigan ng anak kong inakit din ako ay hindi ko pinatulan. Pero ang isang simpleng empleyadang gaya mo ay pinatos ko.
Bago tuluyang lumabas ng motel room na 'yon si Hector ay naglabas ito ng malaking halaga mula sa wallet nito at iniwan sa side table.
Hector: Ito. Bayad ko sa serbisyo mo. Lumabas ka na kapag tapos ka nang mag-ayos. Sinamahan ko na 'yan ng pamasahe mo. Mauuna na akong umuwi. Baka hanapin pa ako ng asawa ko?
Pasipol-sipol pa si Hector habang lumalabas ng kwartong 'yon.
Naiwan ang babaeng humahagulgol.
Babae: Magugustuhan mo rin ako, Hector.
----------
Sa isang kilalang unibersidad ay nagtitinginan ang mga tao sa mga pasa na nasa mukha ni Joshua. Kilala ito sa campus dahil isa ito sa heartthrobs ng university. Gustong lapitan ni Margie ang kaibigan pero hindi niya magawa rahil nakaakbay si Ethan sa kanya.
Margie: A-anong ginawa mo sa kanya, Ethan?
Ethan: Hindi naman malala. Gusto ko lang ipaalala sa kanya na hindi na single ang babaeng gusto niyang ligawan.
Margie: Pero nakakaawa siya.
Malungkot na malungkot ang mukha ni Margie.
Ethan: Gagaling din 'yang mga pasa niya. Pagkatapos ko siyang bugbugin ay ibinigay ko sa kanya ang mga gamot na gagamitin niya para madaling mawala ang mga pasa. Hindi ganoon kasama ang boyfriend mo, babe.
Kumindat pa si Ethan kay Margie.
Gustong mainis ni Margie kay Ethan pero sa tingin niya ay may dahilan kung bakit nagawa iyon ng kasintahan. Mahal siya nito at nagpapasalamat siya roon. Tinanggal niya ang braso ni Ethan na nakaakbay sa kanya at humarap siya rito.
Margie: Ethan, I'm sorry. Hindi ko agad nasabi sa iyo ang tungkol kay Joshua. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam na gu-gusto niya akong ligawan.
Ipinatong ni Ethan ang hintuturo sa ibabaw ng labi ni Margie.
Ethan: Ssshhh... Wala kang kasalanan. Naunahan lang talaga ako ng selos kagabi. Syempre ayaw kong mawala ang babaeng pinakamamahal ko sa akin. Maisip ko pa lang na may aagaw sa 'yo mula sa akin ay parang gusto ko nang humanap ng mukhang babangasan.
Napangiti si Margie sa mga sinabing iyon ni Ethan. Mahal niya rin ang lalaki at gagawin niya ang lahat para rito.
Ethan: Margie, mahal kita at lalo pa kitang mamahalin sa mga susunod na araw. Hindi ko ipinapangakong hindi kita masasaktan, pero ipinapangako kong mamahalin kita habang ako ay nabubuhay.
Ikinulong ni Ethan sa dalawang palad ang mukha ng kasintahan at hinalikan si Margie na ginantihan naman ni Margie. Sandali lang 'yon pero damang-dama nila ang pagmamahal sa halik na 'yon.
Margie: Let's go, babe. Baka makasuhan pa tayo ng public display of affection? Kung saan-saan mo na lang ako hinahalikan.
Napakamot ng ulo si Ethan at tumingin sa paligid. Wala namang nakatingin sa kanila pero may ilang dumadaan-daan.
Ethan: I can't help it, babe. Love na love kita, eh.
Margie: Ang cheesy mo. Pero mahal din kita, Ethan. Mahal na mahal.
----------
LEXY's POV
Hindi rapat ako nakakaramdam ng selos pero hindi ganoon ang nangyayari. Para akong tinatarakan ng kutsilyo sa aking dibdib habang nakatingin sa direksyon na kinaroroonan nina Ethan at Margie.
May boyfriend na ako, pero bakit nakakaramdam ako ng ganito para kay Ethan? Nitong mga nakalipas na araw ay parang napapansin kong kahit hindi kami magkita ni Mikel ng matagal ay okay lang sa akin. Hindi tulad noon na tawag ako nang tawag sa kanya. Hindi kaya hindi ko na mahal si Mikel?
Ang gulo. Naguguluhan ako. Hindi pwedeng mahalin ko si Ethan. Boyfriend siya ng kaibigan ko.
Oo. Nagtaksil ako ng ilang beses kay Mikel noon. Nakikipagtalik ako sa kung sinu-sinong lalaki para maalis ang libog sa katawan ko rahil hindi ibinibigay ni Mikel ang pangangailangan ko.
Pero nitong mga nakalipas na araw ay iba ang hinahanap ko. 'Yong may challenge. Kaya naman nagkainteres ako kay Tito Hector dahil may challenge na maagaw ang married men. Nandoon pa rin ang pagnanasa ko sa kanya, pero hindi na ganoon katindi.
Hindi kaya ang challenge na hinahanap ko ay hindi si Tito Hector, kundi si Ethan? Dahil nararamdaman kong hindi ko lang siya mahal, kundi nalilibugan din ako sa kanya.
Malala na ako. Argh!
----------
itutuloy...