Tiger 2

583 Words
2 Napatakbo naman ako agad sa likuran nila Manager Henry. "Hoy Dan! Ano bang nangyari?? Bakit naging tigre yan??"-Manager Henry "Alam naming pinapangarap mong maging tigre pero wag mo naman sanang totohanin."-Win Napaurong kaming lahat nung unti unting naglakad si Hanz-----yung tigre papalapit sa salamin. "H-hindi ko rin po alam. Basta po may nakasalubong kaming matandang babae tapos binigyan nga po namin ng pagkain, tapos binigyan niya ng candy si Kuya Hanz at kinain niya po."-Dan "Ayan kasi napakatakaw e." "Ano nang gagawin natin??"-Sky "Baka sinumpa si Hanz, tapos ang makakapagpawala lang ng sumpang yun ay isang halik!"-DJ Tapos bigla silang lumingon lahat sa direksiyon ko. "Manahimik kayo." "Dali na KC baka ayun talaga yung sagot!"-Jayvee "Heh! Hayaan mo siyang maging tigre pangarap niya yan." Si Hanz kasi feeling tigre talaga yan. Kung makikita niyo ang kwarto niyan ay naku talaga! Tigre nalang ang kulang. Mga unan niya, design ng kama niya pati mga paintings! Pati nga wallpaper ng cellphone tsaka case niyan tigre e. "Hahayaan mo nalang bang maging tigre yang si Hanz?"-Choi "Oo nga ate KC. Kawawa-----"-Dan "Kakampi kana sa kanila Dan?" "Hindi naman ate pero kasi-----"-Dan "Hoy KC ayoko rin namang makatanggap ng kiss galing sayo no!" Napatingin kami agad sa direksiyon ni Hanz. "Oh! Nakakapagsalita naman pala siya e."-Manager Henry "Opo Manager kanina pa nga ako tumututol dito e."-Hanz "Pero malay mo Hanz! Kasi ganun napapanood ko e."-DJ "Sa tv lang nangyayari yon!"-Hanz 'E ano tawag mo sa nangyari sayo ngayon?? Diba akala natin sa tv lang nangyayari yung ganyan?"-Maynard "Alam ko na! Tutal pangarap niya naman talaga yung maging tigre, bakit hindi nalang natin siya ikulong-------" "E kung ikaw kaya ikulong ko??"-Hanz "Pwede ba wag na kayong mag-away na dalawa??"-Choi Nag-behlat lang ako kay Hanz. Inangilan niya naman ako kaya nagtago agad ako sa likod ni Jayvee. "Ayan kasi."-Jayvee "Alam niyo, para makapag isip tayo ng maayos, kumain na muna tayo. Wala tayong magandang naiisip kasi mga gutom tayo e."-Maynard "Tama."-Jay So ayun na nga, napagdesisyunan naming kumain muna at uminom ng softdrinks. Si Hanz? Aba, kahit naging tigre hindi nagpapigil. Akalain mo isang tigre umiinom ng coke? Pambihira. "Baka ayan na yung sinabi ni lola na malaking issue ng grupo natin."-Dan "Baka. Kasi kapag nalaman ng ibang tao na may kamiyembro kayong nagiging tigre kapag madaling araw, issue nga yan."-Manager Henry "Teka teka. Anong oras naging tigre si Hanz?" "Sa palagay ko mag-aalas dose."-Jay "Hala! Para ngang yung napapanood ko sa tv! Yung Snow White??" "Shunga! Cinderella yon! Kakatulog mo sa school wala kang natutunan."-Jayvee Ay Cinderella ba yun? "Ode Cinderella! Yung 12 midnight lang siya nagiging prinsesa. Tapos tinutulungan siya nung pitong dwende-----" "Alam mo KC walang magandang lumalabas sa bibig mo. "-Hanz "Tinutulungan kana nga e!" "Pero malay niyo yung kiss na sinasabi ko effective?"-DJ "Oo KC! Dali na!"-Maynard "E bakit ako??" "Alangan naman kami ate. Ikaw lang ang babae sa grupo."-Sky "Ayokooooo!" "Dali na! Gusto mo bang maging ganyan nalang si Hanz? Hindi na tayo makakapagdebut niyan."-Choi "Sige na KC. "-Manager Henry Wala na akong nagawa. Kung hindi lang talaga nagsalita si Manager hindi ko to gagawin. "Wag kang feeling ah!" "Para namang gusto ko to!"-Hanz Psh. Lumapit na ako kay Hanz at hinalikan siya sa ulo. Inisip ko nalang hinalikan ko yung alaga kong pusa. Hindi ko na inisip na si Hanz to kaya nagawa ko. Pagkalayo ko kay Hanz, bigla nalang siyang nagliwanag ng matindi kaya napatakip ako agad ng mga mata. "Effective nga."-DJ At nakita na nga namin ulit si Hanz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD