3
"Bakit ganyan ang suot mo??"-Choi
Binaba ko naman ng kaunti yung palda na suot ko.
"Hindi ko nga rin alam e. Eto kasi inabot sakin nung stylist."
Lahat sila pinalibutan na ako.Masyado kasing maikli tong palda na suot ko. Hindi ako sanay na ganito. Tapos eto pa yung unang araw ng paglabas namin sa tv. Naku naman.
"Sino ba yung stylist na yun??"-Hanz
"Hindi ko nga rin kilala e. Sabi nila Manager Tyrone bago lang daw yun."-DJ
"Ano ba naman yan. Dapat babae rin yung pinaghawak kay ate KC, hindi dapat lalaki."-Sky
"Unang beses pa naman natin tong lalabas sa tv."-Maynard
Nakikita ko kung gaano sila nag aalala sakin. Alam ko naman din kasing iniisip din nila yung kapakanan ko. Pero hindi iyun ang dapat naming unahin.
"Guys, wag kayong mag-alala,ayos lang----" naputol yung sasabihin ko nang biglang sumigaw si Choi at tinawag sila Manager Henry.
"Choi!! Ano kaba??"
Kapag kasi ganyan na ang kilos ni Choi,asahan mong naiinis na talaga yan. Si Choi ang leader namin, at masasabi kong maaasahan talaga siya.
"Oh bakit ka sumisigaw Choi--" napatingin si Manager Henry sakin. "Bakit ganyan ang suot mo??"
Napapatingin na sakin yung ibang mga staffs. Ayst.
"Ayan ba yung binigay ni Khai sayo??? KHAI!!"-Manager Henry
Lumapit naman yung lalaking nagbigay ng damit sakin. Sa totoo lang natatakot ako sa kanya. Iba kasi yung mga tingin niya kanina. Hindi ko naman masabi agad sa mga members dahil alam kong magkakagulo.
"Ano yang pinasuot mo kay KC?? Sa tingin mo makakasayaw siya ng maayos sa damit niyang yan??"-Manager Henry
"P-pasensya na po. Ganyang mga damit po kasi ang bagay sa kanya----"-Khai
"Hindi bagay yung ganyang damit sa kanya. Pakipalitan mo."-Hanz
"At saka next time naman paki isip kung anong klaseng sayaw ang ginagawa namin."-Jayvee
"Pasensya na po. Hindi na po mauulit."-Khai
"Talagang hindi na mauulit. Manager, paki report po siya kay Manager Willy. Kung pwede po babae nalang yung gawing stylist ni KC."-Choi
Hindi ako makapagsalita. Ganyan sila ka-protective pagdating sakin.
Napatingin pa nga ako kay Khai bago siya hinila papalabas ng room.
"Magpalit kana dun ate KC."-Dan
Napabuntong hininga nalang ako.
Magkaroon ba naman ako ng 13 kasamang lalaki. Ay nako.
-----
Naging successful ang unang performance namin sa tv. Karamihan sa mga audience ay mukha namang nagustuhan ang performance namin.
"Namali ako sa dulo kakainis."-Hanz
"Hindi naman masyadong halata Hanz. Ikaw lang yata nakapansin."-Sky
Nag aayos na kami papabalik sa company. Sinasabihan na nga ako ni Manager Tyrone na maging maingat lalo kapag nandyan ang media. Naririnig rinig daw kasi nila na nasakin ang atensiyon ngayon.
Nilagay ko nalang ang sumbrero ko at sumunod kela Jayvee papalabas ng make up room. Dumiretso lang kami papalabas at nadatnan namin ang mga cameras pati na rin ang mga fans ng ibang grupo.
Medyo natakot pa nga ako kasi akala ko makakarinig kami ng masakit na mga salita.
Pero nagkamali ako.
"Dan!!! Ang gwapo mo!!"
"Ang galing mong sumayaw Hanz!!"
"Bagay sayo yung outfit mo kanina KC!!!"
Napangiti naman ako habang pilit na umiiwas sa mga cameras na lumalapit samin. Hinawakan pa nga ako sa braso ni Maynard para hindi ako mapalayo sa kanila.
Nung nakasakay na kami sa Van,napasandal nalang ako bigla.
"Good job guys. "-Choi
"Puro pangalan ni KC narinig ko kanina sa labas."-Jay
"Nakapikit nga ako habang naglalakad, buti nalang hindi ako nadapa. hahaha."-Jayvee
Tumingin naman ako sa labas ng bintana. Maraming tao ang kinakatok ang bintana ng sinasakyan namin.
Eto na ang umpisa.