Samantha’s POV Umagang-umaga pa lang at ramdam ko na ang bigat ng buong linggo. Naglakad ako papasok sa opisina, dala ang kape at mga papeles, pero hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi. Nakakainis… at nakakaintriga rin si Ryder. Parang kahit ilang sandali lang kami magkasama, naiwan niyang kumakalog sa utak ko. Huminto ako sa elevator at huminga nang malalim. “Focus, Sam. Work first,” bulong ko sa sarili ko. Pero kahit pilit kong i-shift ang attention, naiisip ko pa rin ang mga mata niya, ang ngiti niyang nakaka-frustrate, at yung paraan niya magdala ng sarili niya sa kahit anong sitwasyon. Pagkapasok ko sa opisina, sinalubong ako ng pamilyar na ingay ng telepono, printer, at tawag ng mga staff. Nakita ko na nakahanda na rin ang schedule ko para sa araw na iyon, pero bago

