Ryder’s POV Lingid sa kaalaman ng mga magulang ko, matagal na akong pumasok bilang NBI secret agent. Napagdesisyunan kong tahakin ang landas na ito noong mamatay ang asawa ko. At tulad ng iba, dumaan din ako sa hirap ng training pagod, pasa, at walang tulog para lang maisakatuparan ang desisyon kong ito. Sa ngayon, isa na ako sa may mataas na posisyon sa NBI. Wala ni isa mang nakakaalam niyon maliban sa akin, sa mga tauhan ko, at sa mga kasamahan kong nagtatago rin sa iba’t ibang sulok ng bansa. Sa paningin ng lahat, isa lang akong CEO na lasenggero at walang ibang inaatupag kundi ang magpakasasa sa pera. Pero sa likod niyon, ako ay isang ahente na handang sumabak sa misyon anumang oras. Mabigat dalhin ang apelyido namin Del-Fuero lalo na at ako rin an

