"Bryan, bendaban mo ang sugat at baka mamatay kapag naubusan ng dugo..." Tinignan niya ako. Mula ulo hanggang paa. Para bang kinakabisa niya ang aking itsura. Maaring pinag-aaralan niya ako. Tinitingnan ng mabuti kung ano ang pagkakaiba namin ng babaeng sinasabi niyang kamukha ko. Kinuyom ko ang aking kamao at nag-isip. Wala na akong maisip na ibang paraan. Tiyak na hindi kami makakatakas ng aking anak rito. Damn it! Hindi ako nag-ingat. Nang nakaramdam na ako ng pagdududa dapat umalis na ako ng Boracay. Dapat hindi ko binalewala ang aking kutob. Dapat kumilos ako agad. Hindi sana kami nalagay sa panganib na mag-ina. Pero saan kami pupunta? Sino ang poprotekta sa aming mag-ina? Si Morgan? But I don't want to see him anymore. But now, I need to see him. s**t! I need to kill him. Kaya

