Ang nakangiting mukha ng aking anak ang namulatan ko. "Good morning, Mommy!" Hinila ko siya at niyakap. Humagikgik naman siya at gumanti ng mahigpit na yakap. Tirik na ang araw sa labas. Dahil madaling araw na akong natulog, hindi na muna ako nag-jogging. Nag-ja-jogging ako tuwing alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-singko. Nagwo-work out ako ng mga ganiyang oras. "Tito Rene is cooking!" "Talaga?" "Uh huh. He's cooking my favorite food for breakfast. Tapsilog..." Tinaas baba pa niya ang kaniyang kilay habang ang ngiti sa labi niya ay hindi na mawala-wala. Ginulo ko ang kaniyang buhok. "Maghilamos lang at toothbrush si Mommy." Bumangon ako at tiniklop ang kumot na ginamit namin. Si Ace naman ay agad lumabas. Narinig ko pa ang matinis at excited niyang boses. Tuwang-tuw

