NILAPAG ni Claire sa lamesa ang ticket at visa ni Tanya. Pagkatapos niyang puntahan si Dave sa opisina nito sa D&M ay tinawagan niya si Tanya upang makapag-usap silang dalawa. Nasundan iyon ng tingin ni Tanya saka muling binalik ang tingin sa ina ng asawa. Kakatawag lang ni Dave. Masaya pa siyang kausap ang asawa kani-kanina lang. Ito na nga ang kinatatakutan niyang mangyari. Naninikip ang kaniyang dibdib at gulong-gulong ang kaniyang isip. Hindi niya magawang kunin at tanggapin ang visa at ticket dahil labag sa kalooban niya ang gawin ang isang bagay na pinagkasunduan nilang dalawa noon. Nagsisimula nang mag-init ang sulok ng kaniyang mata at namamasa. She wanted to cry at that moment but she composed herself. Pinipigilan niya ang sarili na hindi umiyak sa harap ni Claire. Ito na ang

