“LANGYA ka. Problema agad ang bungad mo sa akin pagdating ko, hmp!” maktol ni Lucky sa kaibigan na excited sana sa fashion show niya bukas kaya ito lumuwas ng probinsiya. Humugot nang malalim na buntong hininga si Tanya habang umiinom ng alak. “Sorry,” tipid nitong salita. Wala siyang mahagilap na salita upang gumaan ang pakiramdam niya. Hindi niya kayang ilabas ang lahat ng hinanakit niya dahil kasalanan niya rin kung bakit siya nalagay sa ganitong sitwasyon. “Ang tanga mo!” Sinamaan niya lang ng tingin si Lucky na inis na inis sa kaniya. “Dinadamayan mo ba talaga ako o ano? Hindi ko alam kung kaibigan kita o kontrabida, e.” “Gaga ka kasi. May usapan naman pala kayo ni Mommy Claire—” “Mommy mo? Maka-mommy Claire ka naman.” Nagawa pa niyang pilosopohin ang kaibigan niya kahit naiiyak

