“WHAT ARE you doing here?!” Inis na tanong ni Dave pagkapasok ni Axel. Napatayo rin siya at hinarangan si Axel na makalapit sa akin. “I came to visit Tanya, not you.” Ganting sagot ni Axel na inis din. Naghamunan na silang dalawa ng tinginan. Napaface palm na lang ako sa ginawa ng dalawa na parang mga bata. “Dave!” tawag ko para kuhanin ang atensyon at maputol ang sukatan nilang titig na dalawa. “Binibisita lang niya ako.” “Why? Hindi naman siya kailangan dito.” I scoffed. “Ako ang binibisita, hindi naman ikaw.” Ni hindi man lang ako sinulyapan ni Dave. Seryoso ang dalawa. “My WIFE is fine. You can leave now,” mariin na utos niya kay Axel at diniinan talaga ang salitang wife. Napatiim ng bagang si Axel dahil sa sinabing na iyon ni Dave. Hindi naman niya kasi kailangan na ipamukha

