PASIMPLE kong tinitingnan si Dave na tahimik na nakatingin sa akin. Nakatayo siya sa harap ng hospital bed ko. I pout my lips at hindi makatingin sa kanya nang diretso sa mga mata. Pabalik-balik ang tingin ko sa kanya kung nakatingin pa rin siya sa akin pero siya ay gano’n pa rin ang ayos niya, hindi natinag sa kinatatayuan niya at seryosong nakatingin sa akin. Nakahalukipkip. Ang suot niyang long sleeves na puti ay nakatuck out na. Napansin ko ang maliliit na stubbles sa kaniyang mukha. He looks wasted and tired. Pero bakit mukha pa rin siyang mabango at masarap na yakapin? Ang labi niya na kasing kulay ng pulang rosas ay kay sarap halikan. s**t! Namiss ko iyon halikan. Napatitig ako do’n at mas lalo akong nanabik na matikman muli ang halik niya. Ang malapad niyang dibdib ang sarap yaka

