Kabanata 105 SIMULA NG MAHULI KAMI NI RICA ay masama na ang tingin niya samin ni Kawhi. Bantay sarado 'din niya kami kapag nasa bahay siya. Kaya naman hindi na kami naglalapit o naglalampungan ng binata sa bahay kapag andiyan si Rica, dahil once na makita niya kami ay magsusumbong siya sa mga magulang ko kaya iniiwasan ko iyon. Baka atakihin sa puso si papang kapag nalaman niya. Sa cellphone na lang kami naglalandian kapag hindi nakatingin o naka-bantay si Rica. Kahit nga sa pagpapakain sa mga baboy ay bantay niya kami. Kinutsaba pa nga niya si Ron-ron na bantayan kami. Ang hindi niya alam ay alam na ni Ron-ron about samin pero hindi siya kumikibo at sumunod na lang ito sa ate niya. Nakakapaglabing-labing pa naman kami ni Kawhi pero limit na lang. Hindi katulad dati na maya't maya kami

