Kabanata 104 KAWHI SMITH KAUSAP KO SI RON-RON NGAYUN at sinabi kung alam na ng ate Rica niya ang tungkol samin ni Rosana. " Putcha! Alam na niya? Paano?" " Nakita niya kaming naglalampungan sa kusina. Hindi kasi namin namalayan na pumasok na siya sa kusina." Kwento ko sa kanya. " Ano? Ang libog mo kasi kuya eh." Paninisi pa nito habang nakangisi. Hindi naman ako umimik dahil totoo naman 'yun. Basta kapag nakikita kona si Rosana ay nag-iinit na ako lalo na kapag magkadikit na kaming dalawa. " Sumbungera pa naman 'yun tapos dikit 'yun kay ate Roberta." Dagdag pa na sabi ni Ron-ron sakin. " Natatakot tuloy ako. Mamaya'y magsumbong siya sa ate Roberta mo." Wika ko kapagkuwan. " Talagang matakot na kayo dahil kapag nagsumbong 'yang si ate Rica. May dagdag, bawas ang sumbong no'n." Saad n

