-- NANDITO KAMI SA PERYAHAN AT nagkayayaan. Hindi sana ako sasama kaya lang 'yung anak ko umiiyak at gusto sumama sa mga tita saka tito niya. Ayaw ko naman ipagkatiwala sa mga kapatid ko si Uno at baka mapaano ang anak ko. Hindi sa wala akong tiwala sa kanila. Mahirap na kasi baka mapahamak ang anak ko. Hindi ko kakayanin kapag may mangyare sakanya ng masama. At totoo nga, nilibre kami ni Ron-ron. Shock! ang dami niyang pera. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha. Imposible naman sa mga ipon niya iyon galing. Duda talaga ako sa batang 'yun. Siya ang nagbayad ng lahat ng mga rides. Hindi ako sumama dahil buntis ako kaya pinanuod kona lang sila habang masayang masaya ang anak ko at may malaking ngiti sa labi. Hindi ko akalain na may peryahan ulet dito. Matagal na rin simula ng pumunta

