Kabanata 123 ABALA KAMI SA LOOB NG BAHAY DAHIL uuwe na mamaya sina ate at Kawhi ng pilipinas kaya bising-busy kami ngayun sa pagluluto ni mamang. Maraming handa kasi darating sila at nagpaluto si mamang ng dalawang baboy na niluluto ngayun nila kuya saka Ron-ron habang tumatagay. Na ayus na rin namin ang kasal ni ate, mag-mula sa simbahan, gown at iba pa. Napamigay na rin namin ang mga invitation sa mga kamag anak namin. Sa linggo na ang kasal ng dalawa kaya inayus na namin lahat bago sila dumating. Hindi pa nga naniniwala ang kamag anak namin na ikakasal ulet si ate at baka prank na naman daw. Pero si mamang naman ang kumausap sa kanila at sinabing ikakasal ulet ang ate ko. Maya-maya'y pumasok sa kusina si Ron-ron at may naghahanap daw sakin. "Sino?" Anang ko habang tinutulungan si

