Kabanata 124 KAAGAD TUMAKBO ANG ANAK KO nang makita si Kawhi at nagpa-kandong agad sa binata. " Hey, buddy. Kamusta kana?" Masayang tanong ng binata sa anak ko habang masaya ang anak ko ng makita niya si Kawhi. " Okey naman po, tito. Akala ko po ay hindi kana babalik eh. Miss na miss po kita." Sabi ng anak ko sabay yakap sa binata na halatang miss niya si Uno. Niyakap 'din niya ang anak ko ng mahigpit. " Miss 'din kita." Saad ng binata habang nakatingin sakin ang mga mata kaya umiwas agad ako ng tingin. " Sus, naglalambing ang baby namin." Narinig kung sabi ng ate ko sa aking anak. " Nako, halina kayo at kumain muna tayo sa kusina baka lumamig ang mga pagkain. " Maya-maya'y sabi ng mamang ko kina ate kaya pumunta na sila sa kusina. Hapon na ng mga sandaling iyon. Kami naman ni Carl

