Chapter 1

1127 Words
Nagdaan pa ang mga araw na palagi ka ngang nakikita, Alam mo bang malayo ka man ay tinatanaw ka na? Nang makita ka na nga’y nakangiti’t kumakaway pa, Inaamin kong nakatutuwang pagmasdan ang mukha mo’t singkit mong mga mata. Hindi ko maintindihan ngunit hinahanap-hanap ka na, Nanghahaba na ang leeg sabay tanong sa sarili, “Nasaan ka na ba?” Muli ay nasipat ka ngunit may kasama kang iba, Napasimangot ako’t nadismaya, manloloko ka pala. Bahagya akong nag-ayos ng aking sarili, nagsuot ng isang casual navy blue dress at isang stilettos. Dala ang isang black na sling bag ay pasado alas syete na ng gabi nang makarating ako sa restaurant na sinabi ni Kyo. Hindi naman ganoong katao sa loob kaya naging komportable ako habang hinihintay siya sa loob. Ilang minuto pang paghihintay ay nakita ko na si Kyo nang mapalingon ako sa pinto ng restaurant. “Kyo!” pagtawag ko sa kaniya at madali naman niya akong nakita. Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa hitsura niya. Hindi siya nakangiti, parang wala siyang emosyon. Plain lang ang kaniyang mukha. Parang si Tennessee lang pero iba pa rin. Tila wala nang sigla pa ang kaniyang mga mata upang makita pa ako. Pagkaupong-pagkaupo niya sa aking harapan ay tinanong ko siya. Sabi ko, “Kumusta ka na?” Bahagya namang kumurba ang kaniyang labi dahil sa tanong ko kaya bahagya ring lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi niya. “Ayos lang ako, Dasura. Ikaw?” Ngumiti ako. “Ayos lang rin naman.” Pagkatapos niyon ay nabalot na kaming dalawa nang katahimikan. Sa loob-loob ko ay hindi ako mapalagay dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa aming dalawa. Isang buwan—isang buwan na kaming hindi maayos at hindi ko matantiya kung ano ang dahilan ng panlalamig niya sa akin o sadyang ayaw ko lang aminin sa aking sarili kung ano ang totoo. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang naging ganito ang pakikitungo sa akin ni Kyo. “Kyo.” “Dasura.” Mas lalong naging hindi naging kumportable para sa aming dalawa nang magsabay pa kami sa pagsasalita. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” aniya sabay buntong-hininga. Napakuyom ang aking mga kamay na nasa ilalim lamang ng lamesa. Iniangat ko ang aking ulo saka siya tiningnan. “Bakit?” tanong ko. Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay dahil sa aking tanong. Sabi niya, “Anong bakit?” Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng restaurant bago siya sinagot. “Niyaya mo akong lumabas ulit matapos ang isang... buwan. Bakit?” “Dasura...” “Alam mo Kyo,” sabi ko saka siya nginitian, “hindi lang ako nagsasalita pero hindi ako manhid. Ano na ba’ng nangyari sa atin? Bakit tayo nagkaganito—hindi, mali. Bakit ka nagkaganiyan?” Bigla siyang natahimik. “Nahihiya ka na ba na naging girlfriend mo ako?” Tumungo lang siya kaya lalong humigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao. “Hindi ako kasing successful mo pero nagsisikap ako. Nagtatrabaho ako sa isang grocery store habang nagre-review para sa board exam ko. Hindi mo ba ‘yon napapansin? Hindi mo na ba ako naa-appreciate, Kyo?” “Dasura—” “Kyo!” pagputol ko sa sasabihin niya. Humugot pa ako ng isang malalim na hininga bago nagpatuloy. “Masaya ako kanina nang i-text mo ako at yayaing lumabas.” Ngumiti ulit ako. Dagdag ko pa, “Alam mo bang nag-ayos pa ako para sayo kahit alam ko namang pakikipag-break lang ang sadya mo kung bakit mo ako pinapunta rito?” Doon ay tuluyan nang nawala ang natitirang sayang nararamdaman ko. Kita sa mukha ni Kyo ang pagkagulat. Hindi niya siguro inaasahang alam ko na ang lahat. “Alam ko Kyo,” sabi ko, “na lumalabas ka kasama iyong director ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Matagal ko ng alam.” “Paano mo—” “So totoo nga?” “Dasura, let me e-explain—” “Ang gasgas naman n’yan. Wala ka na bang ibang naiisip na ibang line?” sarkastiko kong sabi habang buong lakas na pinipigilan ang pangangatal ng aking boses. “Okay,” aniya at doon ay naramdaman ko ang lamig sa kaniyang boses. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang pagbigat ng aking dibdib. “We’ve been dating for a month now, Dasura.” Ang... sakit. Kahit alam ko na ang totoo ay sadyang mas masakit pa rin kung marinig mo at manggaling pa sa bibig ng taong mahal mo ang mga salitang sisira sa relasyon ninyong dalawa. “Ayos lang,” nauutal na sabi ko at doon ay pumuslit ang tampalasang luha sa aking mga mata. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang aking kamay bago ko siya tiningnang muli. “Ano ba’ng panama ko sa babaeng maganda at successful na katulad ng kabit mo sa aking nagsisimula pa lamang?” Bigla siyang tumayo habang suot ang isang nakakatakot na hitsura. Kumabog nang malakas ang aking dibdib ngunit hindi ko ipinahalata sa kaniyang takot ako. “Ano’ng sinabi mo?” “Bakit Kyo? Totoo naman, ‘di ba?” mariin kong sabi kasabay ng aking pagtayo. “May kabit ka!” Agad niya akong nilapitan at sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakaiwas sa kaniyang ginawa. Sa pagkakataong ito ay halos lahat ng tao sa loob ay alam kong nakatingin na sa amin matapos niyang padapuan ng isang malakas na sampal ang aking kanang pisngi. Unang beses na pagbuhatan ako ng kamay ni Kyo ngunit hindi na ako nagulat pa kung nagawa man niya akong saktan. Mas masakit pa rin na ipinagpalit niya ako dahil lang sa wala pa akong nararating sa buhay, hindi katulad niya at ng babaeng pinili niya. “Wala ka pa ngang nararating, kung anu-ano pa’ng lumalabas d’yan sa bibig mo!” sigaw niya sa akin. “Ano’ng pakialam mo? At ano nga ulit ‘yon? Hindi ba’t patay na patay ka roon sa lintek na Epilogue na iyon? Doon ka na! Dapat lang sa iyo ‘yang babae ka!” Habang hawak ang kumikirot kong pisngi ay tiningnan ko siya. Sabi ko, “Ang sama-sama mo, Kyo! Ang sama ng ugali mo! Napaka—” Muli akong napapikit nang ambahan niya ulit ako ng isa pang sampal. Nakarinig ako ng isang malakas na sampal ngunit hindi iyon tumama sa akin. “Medyo mabigat ang kamay mo.” Agad akong napamulat nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Pagmulat ko’y agad akong napatayo nang makita ko kung sino ang humarang sa malakas na sampal na dapat ay tatamang muli sa aking pisngi. “Tennessee?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD