Gustuhin ko man ay mukhang hindi ako ang gusto niyang umamin sa kaniya. Pansin ko iyon at alam ko kung kanino siya interesado. Nalungkot ako nang malaman ko ang ginawa ng boyfriend niya sa kaniya. Wala akong alam. Ni hindi ko siya natulungan, ni hindi ko siya naipagtanggol. Doon pa lang ay hindi na ako karapat-dapat para kay Dasura. Pero ang mas nakakalungkot doon ay nang nalaman kong nagkakamabutihan na si Dasura at... Tennessee. Pero kung tutuusin ay dapat na rin akong maging masaya dahil kayang-kaya siyang protektahan ni Tennessee. Bukod doon ay nakita ko rin kung gaano kasaya si Dasura. Magkahawak-kamay sila na sa loob-loob ko’y sana ako na lang. Nakatingin sila sa mga mata ng isa’t isa na sa puso ko ay sana ako na lang din. Sana ako na lang. Sa halip na maging malungkot ng mga sandali
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


