Para akong nabunutan ng tinik nang malaman kong magbabakasyon kami pagkatapos ng hectic schedule ng grupo. More pahinga, more online games, more kain, at more lazy moments. Naisip ko na agad na matulog 24 hours habang may magmamasahe sa buong katawan ko. Sarap. Pero kung mayroon mang bago sa kuwento ng buhay ko ngayon, iyon ay ang kuwento nang makilala ko si Dasura nang mapapunta kami sa bahay ni Tennessee sa probinsya ng Quezon. Hindi lang ito basta kuwento kung paano ko siya nakilala kung hindi kuwento rin kung paano ako... nasaktan. Natuwa ako nang makilala ko at ng grupo si Dasura na isa pala naming kapitbahay. Sino ba’ng hindi matutuwa kung napakagaan niyang kausap? Isa siyang fan ng grupo namin at ang mas nakakatuwa pa ay nakasama namin siya sa mga kalokohan at kasiyahan haban

