“Dasura...” “Give me some time.” “Look at me.” Kusang umangat ang aking ulo. Natigilan pa ako nang bigyan niya ako ng isang nakakatakot na tingin. Tingin iyon na parang naiirita siya na ganito ang suot ko ngayon, na ganito ako ngayon. “Niloko at nasuntok ka na nga tapos hindi ka pa umiiyak. Natatakot ako. Nag-aalala ako sa iyo.” Agad niyang inilapat muli iyong cold press sa akong pisngi. Tila naguguluhan din siya dahil napadiin din ang paglalapat niya ng cold press sa aking pisngi at sa taranta niya ay paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin. “Sorry! Sorry! Masakit pa ba? Sorry, hindi ko sinasadya,” paulit-ulit niyang sabi saka binitiwan ang yelo. Gusto ko mang matawa ay pinilit kong itago iyon. Nakalimutan ko rin agad na nagtatalo kami kanina at naiinis ako sa kaniyang kasungi

