Umiiyak akong sumakay ng bus, walang dalang kahit ano maliban sa aking sarili pauwi sa probinsya kung nasaan ang aking mga magulang. Pakiramdam ko ay napakagaan ng aking ulo. Hindi ko na rin maipaliwanag kung gaano kasakit ang dinaranas ng puso ko ngayon. Napapikit ako at napasandal sa aking kinauupuan. “Tama na, Tennessee,” sabi ko. “Kinikilig na ako.” Saglit na napatitig sa akin si Tennessee matapos kong sabihin iyon. Agad rin naman niyang binawi ang kaniyang kamay saka tumalikod sa akin. Nagulat siguro siya sa aking sinabi. “A-ano na namang sinasabi mo? Ano’ng nakakakilig? Naiihi ka ba?” tanong niya habang nakatalikod pa rin sa akin. “Baka nakakalimutan mong fan ninyo ako?” sagot ko. “Ikaw si Tennessee ng Epilogue na iniligtas ako mula sa ex ko tapos inaalagan pa ako ngayon. Sinong

