Nang ibaba ni Jayana ang tawag ay natulala ako sa labas ng bintana ng bus. Umuulan na pala sa labas. Ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa ordinary bus na sinakyan ko ay nakadagdag sa lungkot na nararamdaman ko. Tila nakikisabay ang langit sa nangyayari sa akin. “Daren, malapit na si Ate. Huwag ka munang aalis...” naibulong ko sa aking sarili. Pagkakuwa’y agad akong napatingin sa aking telepono nang tumunog iyon. Isang iyong unregistered number na tila pamilyar na sa akin. Sinagot ko iyon saka dahan-dahang inilagay sa aking tainga. “Ako ito,” ani sa kabilang linya. Pati ang boses na iyon ay pamilyar na pamilyar na sa akin. Hindi ko na alintana pa kung saan niya nakuha ang aking number nang sabihin kong, “Tennessee...” “Nasaan ka? Saan ka pupunta? Ano’ng nangyari sa iyo?” sunod-

