“I was thinking to give him a chance to explain everything, baka sakaling maiintindihan ko. Pero seeing him proud habang sinasabi niyang isang buwan na silang lumalabas ng babae niya sa harapan ko? Hindi ko kaya, Jayana. Para niya akong sinaksak nang paulit-ulit!” “Nakikiramay ako, Dasura.” Ano’ng ginagawa ni Kyo rito? Agad na kumunot ang aking noo. Naikuyom ko rin ang magkabilang palad ko saka buong lakas na hinarap si Kyo na unti-unting lumalakad palapit sa puwesto namin ni Jayana. “Ano’ng ginagawa mo rito?” mariing tanong ko. Hindi ko alam pero awtomatikong bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kahabi. “Dasura, let me e-explain—” “Ang gasgas naman n’yan. Wala ka na bang ibang naiisip na ibang line?” sarkastiko kong sabi. “Okay,” aniya at doon ay naramdaman ko ang lamig sa kan

