Chapter 37

818 Words

Niyakap ko siya pabalik bilang tugon. Paano na si Mama kapag bumalik ako sa apartment? Wala na si Daren, wala na rin si Papa na namatay ilang taon na ang nakalilipas dahil sa isang aksidente sa isang coconut factory. “Nag-aalala ako kay Mama. Ano’ng gagawin ko? Babalik pa ba ako sa apartment? Wala ng kasama si Mama rito.” “Sa tingin ko ay kailangan ninyong mag-usap ng mama mo,” sagot niya. Nang bumitiw siya sa akin ay ngumiti siya. Aniya pa, “Malakas ka. Kaya mo iyan basta huwag mong kakalimutan na narito lang ako.” Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko mawari kung gaano kabigat ang pinagdaraanan ng puso ko ngayon. Doble ang sakit niyon na parang ang laki ng kasalanan ko para parusahan ako nang ganito. “May sasabihin ako,” sabi ko. “Ano iyon?” “Tungkol kay...” Lumunok ako. “Tungkol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD